Maine five years na agad sa showbiz
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - June 20, 2020 - 12:00am

Fifteen days na lang pala at five years na sa showbiz si Maine Mendoza. At trending ito sa Twitter kahapon.

Inalala nga ng fans niya na exactly yesterday din nang mag-audition siya sa Eat Bulaga.

Nagkalat pa nga ang audition video niya sa Twitter kahapon.

Samantala, si Pokwang pala ang guest ngayon sa Bawal Judgmental sa EB.

May nag-iisip daw tuloy kung lilipat na ang komedyana sa GMA 7.

Certified Kapamilya si Pokwang pero tuloy pa rin ang franchise renewal hearing ng network at baka nga habang wala pa siyang programa sa Channel 2 ay rumaket muna siya sa Channel 7.

Sanya may unforgettable Kapuso moment

 Unforgettable para sa Kapuso actress na si Sanya Lopez ang pagganap niya bilang Sang’gre Danaya sa hit primetime series na Encantadia. Pag-alala niya, “Noong binigyan po ako ng break ng GMA na bumida sa isang teleserye na gumanap bilang si Danaya sa Encantadia, hindi ko po talaga makakalimutan ‘yung panahon na iyon kasi ilan po kami sa mga pinagpilian at lahat sila kapwa magagaling. Kinabahan po ako at marami rin po akong hirap at pagsubok na pinagdaanan bago ko po nakuha ‘yung role. Marami rin po ‘yung nagduda kung kakayanin ko ‘yung role ni Danaya bilang isang baguhan sa industriya na ito.”

Dagdag na kuwento ni Sanya, hindi siya halos nakatulog dahil sa excitement niya, “Napakasaya ko po talaga nung araw na ‘yon pero hindi ako nagpakampante. Nagre-rehearse na kami, nagte-taping, hanggang sa nakita ko na ‘yung sarili ko sa TV bilang si Danaya, at doon ko lang nasabi sa sarili ko na, ako na po si Danaya -- isa po sa mga pinaka-proud moment ko po iyon.”

 Muling napapanood ang Encantadia gabi-gabi sa GMA Telebabad.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with