^
Gary pinayagan ng doktor na humataw uli
Gary

Gary pinayagan ng doktor na humataw uli

Salve V. Asis (Pang-masa) - June 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magtatanghal si Gary Valenciano para sa mga naapektuhan ng pandemya sa kanyang benefit concert na Faith, Hope, Love, na ipapalabas nang live sa Facebook page ng ABS-CBN at YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, 9pm sa Sabado (Hunyo 20).

Layunin ng online musical concert, na paunang handog ni Mr. Pure Energy Gary V para sa Father’s Day, na makalikom ng donasyon para sa Pantawid ng Pag-ibig.

Kakantahin ng batikang mang-aawit ang mga awiting bubuhay sa pananampalataya, pag-asa at pag-ibig sa mga manonood na nasa kani-kanilang tahanan.

Bukod sa nasabing show, nagsagawa pa ng ibang musical projects ang OPM icon para suportahan ang mga Kapamilya sa kalagitnaan ng krisis sa COVID-19. Nakibahagi siya sa Pantawid ng Pag-ibig fundraising concert noong March 22, at isa rin sa mga ABS-CBN artists na nag-record ng Ililigtas Ka Niya, kung saan ang royalties ng kanta ay ibibigay bilang donasyon sa nasabing fundraising campaign.

Nagsimula ang Pantawid ng Pag-ibig program noong Marso bilang tugon sa pagpapatupad ng gobyerno ng enhanced community quarantine. Ang mga nalikom na pondo ay ipinambili ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan na siya namang ipinamahagi sa pakikipagtulungan sa local government units para sa kanilang nasasakupan.

Sa kasalukuyan, mahigit 750,000 na pamilya na ang natulungan ng Pantawid ng Pag-ibig sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit na probinsya ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Nasa ikalawang yugto na ang programa sa ngayon na tinatawag na Isang Daan. Isang Pamilya, na naglalayong himukin ang mga individual donors na mag-donate ng kahit P100 o USD 2 na kayang mapakain ang isang pamilya. Hangad nitong maipakita na ang ordinaryong Pilipino ay kayang tumulong sa kapwa Pilipino.

Ang Faith, Hope, Love concert ni Gary V ay produksyon ng ABS-CBN Music, Genesis Entertainment and Management Inc, TFC, at ABS-CBN Foundation.

Samantala, balik-ASAP na si Gary.

Marami actually na nagulat na bigla siyang nag-perform last Sunday.

Bago ang airing ng ASAP ay may upload siyang hindi muna siya makakasali. “Sadly I won’t be able to be part of the show for sometime dahil sa sitwasyon ng Covid19 at ito po ay delikado sa mga may Type 1 Diabetes tulad ko. But I’m sure you will all enjoy the show and I’m certain that, in time, I will be able to rejoin the ASAP family sa pagbibigay ng kasiyahan sa inyong mga tahanan,” unang post niya. Pero biglang nag-breaking siya sa social media account niya na pinayagan na siya ng doktor na mag-trabaho uli. Kaya hataw uli siya.

GARY VALENCIANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with