^

Pang Movies

Lovi namamayagpag sa teritoryo ng Kapamilya

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Lovi namamayagpag sa teritoryo ng Kapamilya
Lovi

Ang bongga lang Ateng Salve dahil ang pinagbidahang digital movie ng GMA 7 contract star na si Lovi Poe ang namamayagpag ngayon sa iWant app ng ABS-CBN, huh!
Yes, number one nga sa iWant ang Malaya digital movie na pinagbibidahan ni Lovi.

Ang bongga na namamayagpag ang isang Kapuso actress sa teritoryo ng Kapamilya network,’noh?!

So, nangangahulugan lang sa die-hard Kapamilya fans na welcome sa kanila ang pagbibida ni Lovi sa Malaya!

Tamang desisyon nga ang pagtanggap ni Lovi sa project na ‘yon ng Dreamscape ni Sir Deo Endrinal, huh!

At mabuti nga na pinayagan din si Lovi ng Kapuso network big bosses nang ipagpaalam nila ang tungkol sa proyektong ‘yon ng iWant!

At least, hindi pi­nagdamot ng GMA 7 sa ABS-CBN ang kanilang prime actres!

Ang bongga!

Catriona may aaminin

Sa social media plugs para sa episode mamaya ng Essential Cleaning Tip by Chemist Pinky Tobiano, si Miss Universe 2018 Catriona Gray lang ang nakalagay na guest at wala ang pangalan ni Sam Milby na boyfriend ng beauty queen.

Sabi ng isang taga-Cornerstone, wala raw talaga si Sam.

Pero feeling ko, masu-surprise na lang tayo mamayang 7:00 p.m. kapag tumutok tayo sa Facebook page ng Cornerstone Entertainment.

 Tinanong ko nga pala si Pinky kung ano-ano ang mga itatanong niya kay Catriona bukod sa mga puwedeng mai-share na cleaning tips ng beauty queen?

 “Love… love… love!” ang tanging nasabi ni Pinky.

Knowing Pinky, kayang-kaya niyang tanungin si Catriona ng tungkol sa relasyon nito kay Sam, huh!

Ano-ano kaya ang mabubuking sa inilihim munang relasyon nina Catriona at Sam?

Anyway, look n’yo sa Instagram account na @chemistpinkytobiano ang details kung paanong puwede kayong manalo ng brand new laptop kapag nanood kayo mamaya ng episode na guest niya si Catriona.

Yes, bukod sa cellphone loads, may laptop na mapapanalunan ang mga tututok sa kanila, huh!

Saka may surprise pa si Pinky sa lahat, kaya dapat talagang tutukan ‘yon mamaya!

‘Yun na!

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with