Nakaangkas pa sa motor Andi nag-viral habang may bitbit na balde
Andi
Nakaangkas pa sa motor Andi nag-viral habang may bitbit na balde
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - June 10, 2020 - 12:00am

Best life nga si Andi Eigenmann sa kasalukuyan.

As in, nagagawa niya lahat ng mga bagay na pang-promdi na gustong gawin ngayon ng karamihan.

Tulad nitong nag-viral niyang photo na may dalang balde habang nakaangkas sa motorsiklo. Kasalukuyang sa Siargao naka-base si Andi with her partner Philmar Alipayo na isang professional surfer.

Umikot nga sa social media ang nasabing photo ng dating Kapamilya actress na hawak-hawak ang baldeng kulay blue habang angkas sa motorsiklo.

Isang taga-Siargao ang nag-upload ng nasabing photo nang makita at puring-puri ang actress dahil nga sa kasimplehan nito.

Super cute din ng anak nina Andi at Philmar na si Lilo na 10-month old at isinama na agad sa surfing ng daddy Philmar niya: “Lilo’s First Surf w/ Papa. Soo happy! Lilo’s first surf at 10 months. Can’t wait for more surf with me ♥?. Next time better video quality,” sabi ng amang professional surfer.

Anyway, mas masarap ang buhay ni Andi sa kasalukuyan kesa sa maraming artista na nakakaranas ng anxiety matapos ngang magkaroon ng lockdown. Hindi kasi nila alam kung ano nang mangyayari sa career nila.

Eh si Andi makikita pa nga na gumagawa ng putong balanghoy kasama ang in laws sa Siargao at talagang wagas ang kasimplehan ng buhay.

Though malaki ang kinikita nila Andi at Philmar sa YouTube na may million views ang mga  video nila at almost one million na rin ang subscribers.

ANDI EIGENMANN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with