^

Pang Movies

Kapamilya channel ipapalabas sa mga cable at satellite TV

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Marami ang natuwa sa announcement ng Kapamilya Network na magbabalik na sa ere ang ilan nilang show, huh!

Hindi pa man naaaprubahan ang franchise renewal ng ABS-CBN, at least, may Kapamilya Channel sila sa cable at satellite TV nationwide, kaya naman happy ang mga loyalista nila.

May isang aktres lang na nagtanong sa akin kung kasama raw ba ang Cignal Cable sa magpapalabas ng Kapamilya Channel dahil ‘yon daw ang cable provider niya, kaya kinulit ko ang isang Kapamilya network-insider tungkol doon at sinabing, “Hopefully, i-carry rin nila ang Kapamilya Channel and sana pati ang ibang cable providers!”

The more cable providers nga raw na magke-carry sa Kapamilya channel ay mas bongga ang magiging reach nila.

Marami rin ang masaya na ang isa sa series na mapapanood sa Kapamilya Channel ay ang hit Korean series na The World of a Married Couple.

Dubbed in Tagalog ang nasabing Korean series, kaya aabangan ko ‘yon, Ateng Salve, dahil hindi mapapagod ang mga mata ko sa kababasa ng subtitles, huh! Ang bongga ng series na ‘yon na napakarami talaga ang nanood kahit sa original Korean audio nila at may English subtitles lang.

At ngayong Tagalized nga ‘yon, mas mae-enjoy na ang panonood ng The World of a Married Couple. Hindi nga pala maipapalabas ‘yon sa TFC (The Filipino Channel).

TFC subscribers nabuhayan ng loob

Speaking of TFC, ilang subscribers ng nasabing international cable network ng Kapamilya network ang nakatsikahan ko tungkol sa pagbabalik ng ilang favorite shows nila, plus meron pang Angel Locsin at Judy Ann Santos na public services programs.

Eh, noong mawala kasi ang ABS-CBN, maraming subscribers ng TFC ang nag-worry at paano na raw ang subscriptions nila kung puro old shows lang ng Dos ang ipapalabas doon.

At least with Coco Martin’s FPJ’s Ang Probinsyano, Kim Chiu’s Love Thy Woman, Gerald Anderson’s A Soldier’s Heart at iba pang shows ng Kapamilya Channel na ipapalabas kaagad sa TFC, balik daw uli ang sigla ng mga nakausap ko.

Ang tinaguriang beauty guru nga ng Los Angeles, California na si Monet Lu, sobrang happy. Sabi niya, “I love Love Thy Woman, nabitin nga ako! It will be amazing to see them again.. Probinsyano is excellent, na-miss ko ang characters na lumalabas doon. Doon kasi, nabibigyan uli ng break ang mga star na I haven’t seen in a long time. At least, babalik sila sa TFC kasi parang naputulan ng mga kaligayahan ang ng mga tao dito sa US lalo na ang senior citizens nang mawala ang shows nila. We want to see them again! Excited ka­ming lahat na subscribers ng TFC!”

‘Yung mga magsisimulang show raw sa Kapamilya Channel on June 13 ay kaagad mapapanood sa TFC! Ang bongga! ‘Yun na!

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with