Vice nanawagan sa DOT
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - June 4, 2020 - 12:00am

Nag-alala marahil si Vice Ganda sa mga nasaksihan sa balita last Monday kung paano nahirapan sa pagsakay ang mga commuter na nagbalik na sa kani-kanilang trabaho kaya naman hindi niya napigilang manawagan sa Department of Transportation (DOT). Tweet ni Vice, kulang na kulang ang public transportation sa rami ng lumabas at nagsibalik sa kani-kanilang trabaho last Monday.

“Hirap na hirap po ang mga commuters. At yan ay base sa aming obserbasyon. Delubyo sa kanila and transportasyon patungo sa kanilang mga destinasyon. Sa dami po ng pinayagang lumabas at magsibalik sa trabaho ay kulang na kulang ang masasakyan.  So mukhang may mali sa kalkulasyon,” tweet ni Vice.

Kaya ang panawagan niya sa DOT, sana raw ay maglabas ng epektibong solusyon para hindi na mahirapan ang commuters. “Beke nemen po may mabuo sa inyong mga imahinasyon ng epektibong solusyon. Sana’y may mailabas na kayong impormasyon at aksyon dahil sa inyo pong obligasyon na maiayos ang sitwasyon. Kawawa po talaga ang populasyon,” pahayag pa ng TV host/comedian.

Sa huli ay kinuwestiyon ni Vice kung ano ba talaga ang plano ng DOT.

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with