Andi kuntento na sa isla
Andi at Philmar
Andi kuntento na sa isla
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - June 4, 2020 - 12:00am

At home na ang 29-year-old actress na si Andi Eigenmann sa kanyang pagiging `island girl’ magmula nang siya’y magdesisyon na mamirmihan sa Siargao Island kung saan niya nakilala ang kanyang present partner na si Philmar Alipayo.

Although hindi totally tinatalikuran ni Andi ang kanyang showbiz career at bukas pa rin siya sa propesyong ito, hindi nito ikinakaila na sa Siargao na siya naka-base ngayon at ini-enjoy niya ang kanyang simpleng buhay at natuto nang magtanim ng iba’t ibang gulay at fruit-bearing trees sa isla. Doon ay kapiling ang kanyang partner na si Philmar at ang kanilang almost one year-old daughter na si Lilo (Keliana Alohi) na mag-iisang taon on July 23.

Dahil sa lockdown, hindi pa niya nakikita ang kanyang panganay na anak (kay Jake Ejercito) na si Ellie (Adriana Gabrielle), na magna-9 years old sa darating na November 23, na ngayon ay kasama ng kanyang amang si Jake.

Si Andi ay huling napanood sa teleseryeng The Greatest Love ng ABS-CBN (2016-2017) at may dalawa siyang pelikula na nagawa in 2018, ang All Souls Night at The Maid in London.

ANDI EIGENMANN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with