Sarah at Richard
Sarah na-bash sa pakikisawsaw sa #BlackLivesMatter
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - June 4, 2020 - 12:00am

Parehong naka-post sa Instagram nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang poster ng Asian For Black Lives at may nakasulat pang “No Justice. No Peace.”

Ang caption ni Richard sa kanyang post ay “We stand with you. Black lives matter. #antiracist #equality.”

Ang caption ni Sarah ng kanyang post “Black lives matter” but between her post and Richard, mas marami ang nega comments sa post ni Sarah.

Dapat daw pinost niya na all skin colors matter dahil hindi lang black ang nakakaranas ng discrimination.

May nag-comment pa na dapat hindi rin i-disregard ni Sarah ang mga isyu sa bansa natin at dapat nagsasalita rin siya at ang ibang celebrities.

Inakusahan pa si Sarah na dine-delete ang ibang negative comments sa page niya dahil uncomfortable raw siyang pag-usapan.

O, di ba, nag-post lang si Sarah ng support sa #BlackLivesMatter, ang dami nang napuntahang isyu.

May nagtanong pa sa kanya kung wala ba siyang kaibigan sa Pilipinas na dumanas ng police brutality, kaya nagde-delete siya ng comment,

Good for Sarah na hindi na lang sinagot ang mga nag-react negatively sa post niya. Sabi nga ng isa niyang follower, “leave Sarah alone.”

Hindi rin nagustuhan ng ibang netizens ang diumano’y pakikisawsaw ng ilang celebrities sa nangyayari sa Amerika at ibang bansa. Kinol-out nila sina Iza Calzado, Heart  Evangelista, KC Concepcion na nag-join sa #BlackoutTuesday movement kung saan, nilagay nila sa black ang kanilang IG. Unahin daw muna nilang pakialaman ang mga nangyayari sa bansa.

SARAH LAHBATI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with