Andrea at Derek
Pagbubuntis ni Andrea panis na!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - June 4, 2020 - 12:00am

Hindi buntis si Andrea Torres. Ilang araw na iyan na kumakalat na kaya raw mukhang seryoso na sa kanilang relasyon sina Derek Ramsay at Andrea ay dahil on the family way na nga raw ang aktres. Pero may mga source na nagsasabing noon pa ang tsismis. Habang ginagawa raw nila ang kanilang teleserye noon at nagsisimula pa lamang ang kuwento na sila nga ay nagkakamabutihan, may lumalabas nang tsismis na on the family way si Andrea.

Finally may naglakas loob na magtanong sa kanya tungkol doon sa social media. Simple lang ang naging sagot ni Andrea, natawa lang siya at saka sinabing “hindi po.”

Kung iisipin ano pa nga ba naman ang kailangan niyang ipaliwanag kung hindi naman siya buntis talaga. Ang mga ganyang tsismis, hindi na rin naman bago talaga. Basta ang isang artistang babae ay nagkaroon ng boyfriend, natural na ang ang kasunod na tsismis ay buntis siya. Pero hindi kailangan ang tsismis kasi kung may nangyari lalaki ang tiyan niyan makalipas lang ang ilang buwan, unless may gagawin siyang bawal.

Pero si Andrea, hindi naman siya ang tipong gagawa nang wala sa ayos. Si Derek din naman ay isang lalaking responsable at hindi rin naman mag-iisip na gumawa nang hindi tama. Nakita nga ninyo, iyong unang napakasalan ni Derek, kahit na ano pang problema ang dumating sa kanila, pinanindigan niya ang responsibilidad sa anak.

Kaya nga hindi natin dapat isipin na kung may nangyayari ngang ganyan ay itatago pa nina Derek at Andrea. Tiyak na aaminin nila iyon sa kanilang fans. At saka mukhang seryoso naman sila sa kanilang relasyon sa ngayon, kaya ano pa ba ang itatago?

Grupo ng relihiyoso tuwang-tuwang mas marami nang nanonood ng mga misa kesa concerts

Tama ang sinabi mo, Ate Salve, sa isang review na ginawa ng isang grupong relihiyoso, tuwang-tuwa sila na mas marami nga ang total viewers ng mga isinasagawang online masses, kaysa sa ibang mga online activities, kagaya noong mga online concert kahit na ng mga sikat na singers.

May isa pa ngang sikat na male singer na ang naging audience lamang sa kanyang online concert, sa kabila ng lahat ng ginawa niyang promo ay 35 viewers lamang. Iyong isa ring sikat na female singer, 245 lamang ang nanood sa kanyang online concert.

Samantalang iyong mga misa na ginagawa araw-araw, umaabot sa kalahating milyon ang combined audience. Sa panahon kasi ng pandemic, talagang gusto ng mga taong magdasal.

ANDREA TORRES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with