Coffee please...Piolo panay ang display ng pandesal
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - June 4, 2020 - 12:00am

Pagdating sa kanyang dating boss na si Piolo Pascual, maaaliw ka sa mga posting ng comedian na si Moi Bien.

Post ni Moi sa kanyang Facebook account, “haha ang kulit namin mag-usap, thank you mayor sa Ayuda. kape na lang kulang may pandesal na hehe.”

Ang “mayor” na tinutukoy ni Moi ay si Papa P! Ang tinutukoy namang pandesal ni Moi ay ang abs ni Papa P na ang bongga pa rin at bumagay sa kanyang “salt & pepper” na buhok.

Pinost din ni Moi ang screenshot ng chat nila ng aktor na sinasabi ng aktor na may paayuda si “mayor” na pinasalamatan naman ng comedian at sinabing “sa susunod na eleksyon makakaasa kayo.”

Kalakip din ng chat nila ang picture ni Papa P na topless at naka-shorts lang habang nakahiga sa lugar na mukhang gym.

In fairness, ang guwapo pa rin ni Piolo sa kanyang picture, kaya naman napakaraming nag-like at comment sa post na ‘yon ni Moi, huh!

Ang bongga, Ateng Salve, dahil mapapakape ka ring tiyak dahil sa mga pandesal ni Papa P, ‘noh?!

Flight mula US pabalik ng Pilipinas, laging naka-cancel

Naku, Ateng Salve, kung noon ay naiinggit kayo sa akin dahil habang enhanced community quarantine sa atin, ako naman ay nakakapamasyal kahit na paano sa Los Angeles, California.

Madalas din akong makapag-exercise sa mga park sa Beverly Hills. Pero ngayon nga, nakakaloka na dahil ‘yung mga protesta na nahaluan ng mga looting ay sadyang nakaapekto sa lahat at maraming curfew na nga sa iba’t ibang lugar sa Amerika.

Naloka nga ako noong Tuesday nang bumalik ako sa Beverly Hills dahil 1:00p.m. ang simula ng curfew at hanggang 6:00 a.m. na ‘yon ng Wednesday.

As of this writing, wala pang announcement kung tuloy-tuloy ang mahabang curfew na ‘yon, kaya ang advice tuloy sa akin ng marami, umuwi na raw ako ng Philippines.

Naku, kung hindi lang palaging naka-cancel ang flight ko pauwi, baka after kong ma-witness ang kaguluhan sa Rodeo Drive noong Saturday ay nakauwi na ako ng Philippines, huh!

‘Yun na!

PIOLO PASCUAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with