JaDine
Over the top ang presyo bahay ni James walang gustong bumili
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - June 3, 2020 - 12:00am

Hindi pala itinuloy ni James Reid ang pagbebenta sa kanyang three-storey house sa Loyola Grand Villas subdivision sa Quezon City, based ito sa isa sa latest post ng singer-actor sa isang parte ng kanyang bahay.

Ang nasabing part ng house ni James na may makikitang red sofa ay naging controversial dahil napansin ng fans nila ni Nadine Lustre na nasa background ng photos nilang dalawa. Ibig daw sabihin, nasa iisang location sila nang mag-selfie at i-post sa kanilang IG Story.

Inakala pa ngang sa condo ni Nadine kuha ang litrato at kinilig ang Nadine fans sa inisip na si James ang pumunta sa condo unit ni Nadine. Dahil sa post ni James, nalaman na sa bahay pala niya kuha ang litrato nila ni Nadine at lumilitaw na si Nadine ang pumunta sa bahay niya.

Sabi nagkabalikan sina James at Nadine na may mga kumontra dahil hindi naman daw sila nag-break. Pero sa joint virtual interview sa kanila ng MYX Philippines dahil sa nominations nila sa MYX Music Awards, hindi sila natanong sa status ng kanilang relasyon, kaya siguro wala rin silang nabanggit.

Tungkol sa album ni Nadine na ire-release ng Careless Music ni James ang napag-usapan at ang nominations nila sa MYX for Music Video of the Year for Summer at Urban Video of the Year for Fiend.

Anyway, nagtatanong ang fans kung dahil sa sobrang mahal ng house ni James ang rason kung bakit hindi na itinuloy ang pagbebenta. Baka raw walang gustong bumili dahil from P82-M to P85-M ito ibinebenta na parang hindi naman sulit sa hitsura.

JAMES REID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with