_pang-masa
^

Kapamilya stars nagpasalamat kay Ate Vi!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - June 3, 2020 - 12:00am

Pabor na pabor si Lipa City Representative and Star For All Seasons Vilma Santos sa pagre-renew ng franchise at pagbabalik sa ere ng ABS-CBN. Nagsalita ang aktres sa ginanap na House Hearing last Monday para sa prangkisa ng naturang network.

Isa si Ate Vi sa sumusuporta sa House Bill 4305 which seeks to grant 25 years of franchise for ABS-CBN. Sa kanyang speech ay ipinagtanggol ng veteran actress ang network.

“Just for the record, ABS-CBN is already an institution when it comes to television, radio broadcasting and other areas of communications and most especially in the field of public service.

“Mahabang panahon na po silang nagseserbisyo sa paghahatid po ng balita, impormasyon at saya sa publiko,” pahayag ni Cong. Vi.

She added, “likewise, ABS-CBN also helped in the economy in creating opportunities by giving employment to 11,000 people.”

Sinabi rin ng aktres na nalulungkot siya na ang 11,000 employees na ito ng ABS-CBN ay maaapektuhan at madi-displace kung hindi mabibigyan ng prangkisa ang network.

 Nagpasalamat naman ang mga Kapamilya stars sa magagandang pahayag ni Ate Vi.

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with