^

Pang Movies

Angel hindi muna priority ang kasal

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Angel hindi muna priority ang kasal
Angel

Taong 2009 pa itinatag ng actress na si Angel Locsin ang kanyang Shop & Share fundraising project para makalikom ng pondo para matulungan ang maraming tao na nahaharap sa iba’t ibang kalamidad. Ang kanyang Shop & Share ay sa pamamagitan ng pagdu-donate ng cash and in kind at kasama na rito ang pagpapa-auction ng mga pre-loved items ng mga kilalang celebrities na nalilikom na pondo ay napupunta rin sa charity.

Nung November 8, 2013 ay humambalos ang mapamuksang bagyong Yolanda na kumitil ng hindi bababa sa 10,000 tao at nag-iwan ng daang libong homeless sa Eastern Visayas.  Isa si Angel sa agad tumugon sa mga pangangailangan ng mga biktima.

Ngayong 2020 sa gitna ng COVID-19 pandemic, hindi rin nagpabaya si Angel at nanguna pa sa fundraising campaign na UniTENTweCanStandPH kung saan siya nakalikom ng mahigit P11-M na donasyon na nakapag-provide ng 246 tents in 135 hospitals nationwide at namigay ng mga pagkain, sanitary medical supplies at kasama na rito ang personal protective equipments (PPEs).

Ang pagiging consistent ng humanitarian aid worker na si Angel ang naging daan na siya’y gawaran ng parangal bilang isa sa Asia’s Heroes of Philanthropy ng Forbes Magazine nu’ng isang taon.

Ngayong tinapos na ni Angel ang kanyang #UniTENTweStandPH, inaasikaso naman nito ang paglilikom ng pondo pambili ng mga testing kits para sa mahihirap at ipapa-auction din ang kanyang mamahaling 2015 Dodge Durango red car sa kanyang Shop & Share.

Samantala, isinantabi na muna ni Angel ang plano nilang pagpapakasal ng kanyang fiancé, ang negosyante at movie producer na si Neil Arce para ituon ang kanyang atensyon sa pagtulong sa gitna ng kinakaharap na krisis dala ng COVID-19 pandemic ng bansa.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with