^

Pang Movies

Maja, Heart at Erich pinalit ng pekeng Pokwang sa FB

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Maja, Heart at Erich pinalit ng pekeng Pokwang sa FB
Maja

Palaban talaga ang ABS-CBN comedian na si Pokwang sa fake social media accounts na gumagamit sa mga celebrity na katulad niya, Ateng Salve!

Kahapon, nairita na naman si Pokwang sa isang fake account na dating nagkukunwaring siya.

Winarningan ni Pokwang ang mga kapwa niyang artista na sina Maja Salvador, Heart Evangelista at Erich Gonzales.

Post ni Pokwang, “Hello @iammajasalvador @iamhearte @erichgg Please report this FB account na ginagamit mga videos ninyo para pagkakitaan, dati siyang fake na Pokwang at dahil nga nag Post ako na hindi sa akin that account ngayon pinalitan n’ya ng Jokwang. nasa Facebook ito hanapin n’yo at ireport Jokwang! Jong ina metch! Jutang ina mo ka ayaw mo talaga tumigil Joyop ka!!! Hahahahahhaa.”

Kung matatandaan, isa ang account na ito sa maraming fake accounts niya na ini-report ni Pokwang some weeks ago at ang nakakaloka pa, 551 thousand ang followers ng account na ‘yon, huh!

Naku, siguro kailangang tumulong pati ang mga fan nina Maja, Heart at Erich sa pagre-report ng FB account na ‘yon na walang paalam na kinukuha at pino-post sa account niya ang mga video ng kanilang mga idol, ‘noh?!

Lovi pinuri sa Malaya

Kasalukuyang namamayagpag ngayon ang Malaya movie nina Lovi Poe at Zanjoe Marudo sa iWant at TFC.tv streaming apps ng ABS-CBN.

Maganda ang reviews sa Malaya at happy ang Dreamscape big boss na si Deo Endrinal, kaya naman pinadalhan pa niya ng flowers si Lovi, huh!

Very touching ang message ni Deo sa card na nakalakip sa flowers na ipinadala niya sa GMA 7 actress.

Bukod sa kinongratulate ng Kapamilya network executive si Lovi ay sinabi pa niyang love niya ang performance ng aktres sa Malaya.

“Only too happy to be given the chance to work with you! Cheers to more!”

So, nangangahulugan ba na ang huling linya sa message ni Deo kay Lovi ay may pinaplano silang kunin uli ang aktres sa iba pa nilang mga proyekto for iWant at TFC.tv streaming apps?

Wow, ang bongga! ‘Yun na!

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with