Dingdong at Zia
Mag-amang Dingdong at Zia, pinahanga ang netizens sa Stand By Me version
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - June 2, 2020 - 12:00am

Marunong nang maggitara si Dingdong Dantes after ng online guitar tutorial at pagpapaturong maggitara kay Yani Yuzon na isang musician/acting coach at sumusulat ng mga tula.

Si Dingdong mismo ang naggitara nang kantahin nila ng anak na si Zia Dantes ang Stand By Me  na ang caption ni Dingdong ay “pampatulog.” At the end of the song, nag-apir ang mag-ama at si­gu­ro nga, mahimbing ang tulog nina Dingdong at Zia after that duet.

Marami ang pinahanga ni Zia dahil nasa tono siya nang kantahin ang Stand By Me  at medyo nakakagulat din na at her age, alam niya ang nasabing awitin. Ang request tuloy ng netizens, more father and daughter bonding gaya nang kanilang napanood sa video at kung puwede na si Ziggy, isama na rin nina Dingdong at Zia sa kanilang kantahan session.

Speaking of Dingdong, nakakatawa ang meme post nito ng cast ng Descendants of the Sun na pare-pareho silang matataba ng mga kasama dahil nga sa ecq. 

Mga taxi ni Luis bumibiyahe na

Inihanda na nina Luis Manzano at co-owners ng LBR Taxi ang kanilang fleet of taxis dahil kabilang sila sa pinayagang makabiyahe ngayon. Pinost ni Luis ang kanilang paghahanda  gaya nang paglalagay ng plastic partition between the drivers and the passengers.

Siguradong may alcohol at hand sanitizer din sa loob ng bawat unit para magamit ng pasahero. Pinost din ni Luis ang numbers na  puwedeng tawagan para magpa-schedule ng pick up service. “Naayos namin lahat ng units para sa safety n’yo at sa driver namin!” sabi ni Luis.

Ang tanong ng netizens, paano ang aircon sa passenger area dahil nilagyan nga naman ng plastic partition sa area ng driver at passenger, naharangan ang aircon. Sayang at hindi sumagot si Luis sa tanong na ito.

Anyway, pinuri ng netizens ang workout ni Luis dahil kayang-kaya raw ang squats at ibang routine ng walang kahirap-hirap. Meron namang pinansin ang workout area ni Luis, malaki raw ang room and he has all the space to himself.

DINGDONG DANTES YANI YUZON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with