GMA wala pang planong mag-resume ng taping
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - June 2, 2020 - 12:00am

Naku, Ateng Salve, kahit GCQ (gene­ral community quarantine) na sa NCR (National Capital Region) at iba pang mga lugar sa Philippines, mukhang wala pa ring mga ganap sa showbiz, huh!

Kahapon, tinanong ko ang isang taga-GMA 7 kung mag-resume na ba sila ng mga taping ng existing shows nila, pero wala pa raw silang balita.

“We will announce naman kapag sure na,” sabi ng kausap ko.

Sa ngayon, marami lang silang pasabog sa online.

Kagabi, nagsimula na ang vlog ng mga taga-Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Si Barbie Forteza na ang pamagat ng vlog ay Sorry, Sishie!

In character si Barbie bilang si Ginalyn sa nasabing vlog at sa Monday naman, si Kate Valdez bilang sagot naman niya sa vlog kagabi ni Barbie na ang topic naman ay ang reaction niya sa snake-friend apology raw niya at in character naman siya bilang si Caitlyn.

Every Monday raw ‘yon ng 8:00PM at ilalabas sa official social media accounts ng GMA Network.

Ang ibang series din daw ng Kapuso network, may mga ganoon ding ilalabas.

Marahil kaya ganoon muna sila ay dahil inaayos pa nila ang rules and regulations sa balik-taping nila.

Katulad din kaya sila ng plano ng ABS-CBN na ila-lock-in ang mga artista pag nagbalik taping na sila?

Well…

Donita binalikan ang pagiging chef

Naaliw ako sa isang nakatsikahan ko sa Los Angeles, California.

Nag-react kasi ang kausap ko tungkol sa mga artistang nagba-vlog na ngayon at panay ang cooking.

Sabi niya, “Pati si Donita Rose, may cooking vlog na rin. Lahat na lang yata mga celebrity, natutong magluto dahil sa quarantine.”

Sabi ko naman sa kausap ko, chef talaga si Donita at clueless pala siya.

Ang online show ni Donita na Dash of Donita na napapanood sa kanyang Facebook page (fb.com/realdonitarose) ay legit dahil chef naman siya at nag-aral talaga ng culinary, huh!

Some years back, nagtrabaho pa nga siya bilang isa sa chefs sa isang restaurant sa isang big hotel sa Las Vegas, Nevada, ‘noh?!

At ang bongga, dahil sa 20 chefs daw sa restaurant na ‘yon ay si Donita lang ang babae!

At sa totoo lang, Ateng Salve, ang sarap mag­luto ni Donita, kahit tanungin mo pa ang celebrity-friends niya like Ruffa Gutierrez.

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with