Liza
Liza sibilisado ang atake
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - June 2, 2020 - 12:00am

Sa lahat ng artista at kung sinu-sino pang nag-post tungkol sa pagkakasara ng ABS-CBN, sa tingin namin ang may pinaka-magandang sinabi ay si Liza Soberano.

Iyong iba, makikita mo galit na galit, na akala mo kasama sa kaguluhang “black lives matter” ng isang activist movement. May nagsasabi pang “ilalaban ko iyan nang patayan”, eh baka naman kung papatayin na nga siya bigla siyang tumakbo. Hindi kasi ganoon ang dapat na usapan. May problema, pero hindi puwedeng laban lang nang laban, kailangan mapag-usapan nang maayos, mahinahon at nang may katuturan.

Iyan ang nakita namin kay Liza Sobe­rano. Inamin niyang mayroon din naman siyang interest dahil may trabaho siya sa ABS-CBN, at iyon ang nagbigay sa kanya ng career. Pero inaamin niya na posibleng may pagkakamali rin ang kanilang network, at ang mahalaga naman daw nakahanda silang ituwid kung ano man ang mga pagkakamaling iyon.

Maaaring may mali rin ang mga nasa gob­yerno, pero naniniwala siyang maitatama rin kung ano man ang mga naging pagkakamali, at ang katapusan ay maayos na pag-uusap.

Ganyan ang mga sibilisadong tao. Lahat ng mga bagay ay napag-uusapan nang maayos at kung ano man ang kalabasan ng pag-uusap, tanggapin na natin na iyon ay para sa ikabubuti nang mas marami. Hindi iyong akala mo nagsisiraan pa tayo. Natural lang naman sa isang demokrasya na ang lahat ay may kanya-kanyang paninindigan, pakinggan nating lahat para mas makagawa tayo nang mas mahusay na desisyon.

Iyan ang sinasabi ni Liza, lahat naman ay magkakatulad ng layunin, ang maglingkod sa mga Pilipino, kaya dapat wala tayong pinagtatalunan.

LIZA SOBERANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with