Anne nagdurugo ang puso sa mga batang minolestiya
Naalarma at nagdurugo ang puso ni Anne Curtis sa biglang taas ng insidente kaugnay ng online sexual exploitation ng mga bata sa bansa dahil sa gitna ng COVID-19 ayon sa post ng Unicef Philippines.
“Incidents of online sexual exploitation of children have spiked by over 260% during #COVID-19 quarantine.
“Take action and report them by calling: Action line – 1343 Metro Manila, 021343 (outside Metro Manila), Bantay Bata – 163, Red Cross 143, PNP – 0919777737, U-PGH – 155 200,” tweet ng Unicef.
Isa si Anne sa Unicef ambassadors kaya panawagan niya sa tweet niya, “This is sad reality happening in our country.
“Filipino children being sexually exploited by adults they trust and love. It’s heartbreaking and brings me so much anger. Help STOP this.”
Mike Enriquez, umaalingawngaw na naman ang boses
Umalingawngaw na ang boses ni Mike Enriquez kahapon sa pang-umagang programa ng DZBB.
Nagpahinga muna si Mike sa radio at pati na sa 24 Oras para maprotektahan ang kalusugan at hindi kapitan ng COVID-19.
Ibinalita rin niyang babalik na rin siya sa 24 Oras bilang isa sa news anchor.
Samantala, ang Saksi ni Arnold Clavio ay bumalik na rin sa ere kagabi.
- Latest