Franchise ng ABS-CBN inaabangan kung renewal pa!
Gorgy Rula (Pang-masa) - June 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaabangan na ngayong araw ang hearing ng ABS-CBN 2 sa Kongreso at inaasahang uupo si SolGen Jose Calida.

Isa sa posibleng pag-uusapan ay ang frequency ng ABS-CBN 2 na kung ito pa rin kaya ang magagamit nila o kailangan nila ng bago dahil sa nag-a-apply na sila ngayon ng bagong franchise?

Sabi kasi ni Cong. Dan Fernandez, isa raw iyan sa predicament nila kung sakaling bagong franchise na nga ang ina-apply ngayon ng ABS-CBN.

May karapatan daw ang NTC na ibenta ang frequency na iyun at bibili na ng bago ang ABS kung sakali.

“Kasi doon nga sa renewal na pinag-usapan namin nung March, kung mabibigyan ng provisional franchise iyun, ibig sabihin sa franchise na iyun extended na rin pati ang frequency,” pakli ni Cong. Dan Fernandez nang nakapanayam namin nung nakaraang hearing sa Kongreso.

Nung huling hearing nga nila, may mga dumating na raw na mga dating taga-ABS-CBN na may labor issue pa sa naturang network.

Isa pa iyun sa pag-uusapan at posibleng magpapatagal pa sa usapin ng franchise.

Isa ito sa aabangan sa GCQ na unti-unti nang bumabalik ang trabaho, pero sa bagong normal. 

Kahit na dinidinig pa lang ito, hindi naman nagpapabaya ang mga taga-ABS dahil naghahanda na sila sa teleserye na posible nilang simulan.

 Wala pang katiyakan kung alin ang mauuna, ang kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo o ang kina Liza Soberano at Enrique Gil.

Pero may ilan na akong naririnig na kinakasa, bukod sa pagbabalik ng Ang Probinsyano.

Samantala, sa GMA 7 naman ay wala pang balita kung magbabalik na ba sa taping ang mga drama series.

Kahit nasa GCQ na, takot pa rin ang karamihan na lumabas para magtrabaho.

Samantala, gustung-gusto na rin sana ni Carla Abellana na bumalik sa trabaho, dahil nami-miss na raw niyang mag-taping para sa Love of My Life. Pero medyo naaalangan pa rin daw siya, dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng mga COVID cases dito sa atin.

Halos isang milyong creative workers pinangakuan ng tulong ni Bong

Nagpasalamat si Liza Diño-Seguerra kay Sen. Bong Revilla dahil sa ipinahayag nitong suporta sa mga film workers na talagang apektado sa pandem­yang pinagdaanan natin.

Ayon kay Sen. Bong, 865,000 creative workers ang naapektuhan nang husto at ayon sa Department of Finance and the National Economic Development Autho­rity, bukod sa turismo, the Arts, Entertainment and Recreation Industry ang talagang apektado nang husto sa business sector.

“Around 460,000 workers employed under eight major film companies and 11,000 micro, small and medium enterprises, 280,000 workers in the live events sector, and 125,000 freelance artists and cultural workers have been displaced since the government implemented the Enhanced Community Quarantine in March.

“Majority of these workers are freelance artists employed through “open window application” who are unable to compile and prepare the needed documents for social aid,” sabi sa ipinadalang statement ni Sen. Bong.

Hindi rin sila napabilang sa nakatanggap ng COVID-19 Adjustment Measures Program o CAMP ng DOLE at hindi rin sila itinuturing na ‘most vulnerable’ kaya wala ring natanggap na SAP.

Kaya sa nakaraang hearing ng Senate Committee on Finance and Senate  Committee on Economics, nakiusap ang FDCP Chairperson Liza Diño na sana i-include din sa mabibigyan ng tulong ang 865 thousand creative workers and artists, at sinuportahan ito ni Sen. Bong Revilla.

Kaya ipinangako ni Sen. Revilla na sa second wave ng pamimigay ng SAP, tinitiyak niyang makakatanggap din ang mga creative workers at artists.

ABS-CBN JOSE CALIDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with