^

Pang Movies

Boses ni Frankie inalipusta ng ibang netizens

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Boses ni Frankie inalipusta ng ibang netizens
Frankie

Mukhang suportado ni Sen. Kiko Pangi­linan kung sakaling i-pursue ng anak na si Frankie Pangilinan ang kanyang music career. Pinost kasi ni Judy Ann Santos sa Instagram ang video ni Frankie na kumakanta at tumutugtog ng gitara at may kasamang paalala na iboto ito sa MYX.

Post ni Judy Ann: “Blessed with a beautiful soothing voice.. and she’s nominated in two categories (best new artist and best celebrity vj) for MYX awards.! Way to go sweetheart! Mama j and popsy are so proud of you! pls. Vote for frankie ”

Nagpasalamat si Frankie sa suporta ni Judy Ann, pero kung may positive comments, may negative comments din kaming nabasa sa singing style ni Frankie. Mahina raw ang boses nito, hindi maintindihan ang lyrics ng kinakanta, hindi nag-i-smile at hindi nila ito susuportahan sa MYX at kapag naging professional singer na.

Obviously, nabasa ni Sen. Kiko ang mga nega comments sa panganay nila ni Sharon Cuneta kaya nag-post ito ng suporta kay Frankie.

“Don’t mind the bashers Frankie. What matters is that you have the full and unwave­ring support of those who know you and who love you and yes of the countless out there who believe in you and admire you for your authenti­city. Keep going. Keep it at. I have got your back. Mama too and Mama J and many many others who matter.”

In-assure si Kiko ng followers ni Judy Ann na susuportahan nila si Frankie at may nag-comment pa nga na hindi niya gusto si Sen. Kiko, pero dahil she likes Frankie, susuportahan niya ito.

On the other hand, kung nabasa ni Frankie ang negative comments sa kanya lalo na ‘yung hindi maintindihan ang lyrics ng song, mahina ang boses niya at hindi siya nag-i-smile, sana magawan ng paraan na maitama. Those are constructive criticism at makakatulong sa kanya kung gugustuhing maging singer.

Iya ramdam na lalaki na naman ang 3rd baby

Ang ganda ng kuha ng litrato ni Drew Arellano sa asawang si Iya Villania na very much pregnant, ang ganda ng ilaw at ang na-highlight ay ang eight month stomach belly nito. Sabi ng caption ni Drew, “We are almost 8 months.”

Sa isa pang preggy photo ni Iya na kuha pa rin ni Drew, tanong ni Drew, “So...Is it Alana or Astro” apparently, ang nasabing girl and boy name ang napili nilang ipapangalan sa kanilang third baby. Based sa comments ng friends and followers nina Drew and Iya, wish din nila na baby girl na ang isisilang ni Iya dahil parehong boy ang dalawa nilang anak.

Napa-“sana!” at “hoping too!” ang sagot ni Drew sa mga sumagot ng “ALANA.” ‘Katawa lang ang nag-suggest na pangalan nilang Journey Arellano ang baby mula sa title ng show ni Drew na Biyahe ni Drew. May nag-suggest pa ng name na Covidyn na mula sa COVID-19.

Nabanggit ni Iya dati sa Chika Minute ng 24 Oras na this time, hindi nila inalam sa kanyang OB-Gyne ang gender ng third baby nila ni Drew para surprise na lang paglabas nito, kaya wala silang gender reveal party. Pero ang feeling daw ni Iya, baby boy uli ang ipinagbubuntis dahil patuloy ang paglaki ng tiyan niya at ito rin ang sinabi ng ilang netizens.

Pinuna rin ang kinis ng tiyan niya, walang stretch marks kahit dalawa na ang anak.

vuukle comment

FRANKIE PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with