Glaiza enjoy sa bukid
Glaiza
Glaiza enjoy sa bukid
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 31, 2020 - 12:00am

‘Probinsiya lyf’ ang caption ni Kapuso actress Glaiza de Castro habang nakatayo siya sa isang bukirin sa Baler, Quezon. Inabutan kasi sila roon ng enhanced community quarantine, kasama ang kanyang family at ang Irish boyfriend niyang si David Rainey.

Hindi naman siya naiinip dahil kahit hindi pa sila makapag-taping ng bago nilang teleserye, hindi naman siya nawawalan ng ginagawa sa GMA dahil kasama siya sa Kuwentong OFW: Mga Babaeng Biya(hero), hosted nina Suzi Abrera at Kaladkaren Davila na isang Facebook Live discussion tungkol sa mga Filipina migrant workers sa panahong ito ng COVID-19 pandemic.

Thankful si Glaiza na dalawang teleserye niya ang ipinalalabas ngayon sa GMA-7, ang Stairway To Heaven  nila nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos sa Afternoon Prime at ang epic seryeng Encantadia after 24 Oras. Parehong kontrabida ang role ni Glaiza sa nasabing palabas.

Red ngayon lang uli magpaparamdam

Tiyak na masaya ang kwentuhan sa online ng ilang members ng grupong T.G.I.S. ng GMA Network na nabuo noong 1995.  Kasama si Michael V., makikipagkuwentuhan siya kina Bobby Andrews, Angelu de Leon, Ciara Sotto, Michael Flores, Bernadette Allyson at si Red Sternberg na tinaguriang ‘crush ng bayan’ noong ‘90’s.  Ilang beses nang may reunion ang TGIS sa ilang TV shows pero ngayon lamang nila makakasama si Red, live from Miami Beach, Florida, kung saan siya naka-base with his family.

Mapapanood sa live streaming sa social media accounts ng GMA Network at 12:00 NN, sa kanilang #AOSStayHome Party.

GLAIZA DE CASTRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with