^

Pang Movies

Marian at Dingdong naging abala sa pag-aaral!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Marian at Dingdong naging abala sa pag-aaral!
Marian

Nakakatuwa ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil hindi sila tumitigil mag-aral ng mga bagay na hindi pa nila alam, pandagdag karunungan baga.

Si Dingdong nag-aaral maggitara at kung dati, sa online lang siya nag-aaral tumugtog ng gitara, ngayon nagpapaturo na siya sa kaibigang music coach na si Yan Yuzon. Musikero si Yan at former member ng banda ni Ely Buendia at hindi ito papayag at titigil na hindi matutong maggitara si Dingdong.

 Si Marian naman, nag-aral gumawa ng floral center piece arrangement kay Teddy Manuel na isang Floral and Event Designer at owner ng Teddy Manuel Floral School. May flower shop si Marian, ang Flora Vida by Marian at makakatulong ang mga natutunan niya sa pag-aayos ng mga bulaklak. 

Hindi ba nakakainggit na parang ang dami-daming oras nina Dingdong at Marian, lalo na si Marian na nagluluto para sa frontliners, nagbe-bake ng different pastries, nagluluto ng iba’t ibang putahe para sa kanyang pamilya. Idagdag pa na nag-aalaga ng asawa at dalawang anak.

Sa IG Story ni Dingdong, naka-post ang video ng tutorial lesson ni Marian in flower arrangement at si Dingdong ang kumukuha ng video.

Speaking of Dingdong, bagay sa role niyang sundalo sa Descendants of the Sun ang semi-kalbo niyang gupit na si Marian ang gumupit. Sana pwede nang mag-taping para magkatrabaho na ang nasa entertainment industry.

Mabawasan man lang ang jobless kapag binigyan na ng go signal ang GMA-7 na mag-resume ng taping.

Nico at Solenn, hindi nagpapatulong sa yaya

Napanood namin ang video ng breastfeeding ni Solenn Heussaff sa anak nila ni Nico Bolzico na si Thylane Katana at sa isang bahagi ng video, biglang umaray si Solenn, kinagat yata ng baby ang kanyang dede o napadiin ang pagdede.

Nasasaktan man minsan, tuloy pa rin ang pagbi-breastfeed ni Solenn sa anak at nagbigay pa ito ng tips sa breastfeeding moms.

“Breastfeeding might be the hardest thing that any woman has experienced in her whole life. I do love the feeling of breastfeeding and I love to breastfeed but it’s work. It’s a lot of work. I had to work three times harder to try and up my milk supply. I had to ask help from some friends for some of their breast milk because obviously breast milk is best for babies, we all know that. The vitamins they get from your milk, they can’t get anywhere else,” sabi ni Solenn.

Nabanggit pala ni Solenn sa interview sa Unang Hirit na willing siya na magkaroon ng year-long break sa showbiz para mas maalagaan si Thylane.

Sina Solenn at Nico ang nag-aalaga sa baby nila at wala silang yaya.

Na-share rin nito na hindi iyakin si Thylane, tahimik lang ang baby, pero ‘pag kinausap niya o, makikitang sumasagot at malakas pa nga ang boses.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with