^

Pang Movies

Dalaga nina Jestoni at Diego, sumabak sa paseksihan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagpa-sexy ang mga anak na babae nina Jestoni Alarcon at Diego Castro para sa bagong online show ng GMA News Online na Girls of Summer. Ito ay sina Angela Alarcon at Claire Castro.

Si Angela ay isa sa tatlong anak na babae ng action star noong ‘80s and ‘90s na si Jestoni mula sa misis nitong si Lizzette.

Cum laude si Angela sa kursong speech communication mula sa University of the Philippines-Diliman last year.

Namana ni Angela ang height ng kanyang ama at marami ang naghihikayat dito na sumali ng beauty pageant. Pero ang pagiging artista tulad ng kanyang ama ang gustong sundan ni Angela.

Si Claire Castro naman ay anak ni Diego sa ex-wife nitong si Raven Villanueva. Dahil parehong artista ang kanyang parents, hindi kataka-takang pasukin ni Claire ang showbiz.

Bata pa lang daw ay expose na si Claire sa showbiz dahil sa kanyang parents na mga teen star at lumabas sa mga shows na Gimik at TGIS.

Sa online show na Girls of Summer ay makakasama nina Angela at Claire ang mga sexy Kapuso ladies na sina Faye Lorenzo, Liezel Lopez, at Anna Vicente. May kanya-kanya silang paandar habang suot ang mga sexy swimwear.

Kahit na may COVID-19 pandemic, ipapakita ng limang girls na ito kung paano mag-enjoy ng summer kahit nasa bahay ka lang.

Ryan nangarag sa work from home, napagkamalang na-stroke!

In tip-top shape ang American Idol TV host na si Ryan Seacrest at pinabulaanan nito na nagkaroon siya ng stroke na kumalat sa social media kamakailan.

Na-bother kasi ang maraming netizens noong makita nilang nakapikit ang isang mata ni Seacrest habang naghu-host ito virtually ng finale ng American Idol.

In-assume ng marami na baka na-stroke ito habang nasa gitna ng kanyang hosting job. Ayon naman sa rep ni Seacrest, mali ang inakala ng marami sa nakita nilang hitsura nito sa TV. Masyado lang daw na-overwork si Seacrest noong araw na iyon kaya nagkulang ito sa tulog. “Ryan did not have any kind of stroke. Like many people right now, Ryan is adjusting to the new normal and finding work-home balance, with the added stress of having to put on live shows from home.

“Between ‘Live with Kelly and Ryan,’ ‘American Idol,’ ‘On Air with Ryan Seacrest’, and the ‘Disney Family Singalong’ specials, he has been juggling three-four on-air jobs over the last few weeks and he’s in need of rest. So, he took a well-deserved day off.”

Noong mag-live na ulit online ang show nila ni Kelly Ripa na Live with Kelly and Ryan, in-explain ni Seacrest ang mga naganap sa buhay niya. “I want to thank Mark (Consuelos) for filling in. I appreciate that. He’s so good at it. And also the very kind well wishes for my exhaustion. Working round-the-clock so I got a day off to relax. And here we are once again at it on ‘Live.’”

Kahit daw may quarantine, hindi raw nag-slow down sa kanyang hosting si Seacrest ng tatlo hanggang apat na shows online.

Deserve daw niyang magkaroon ng day-off kahit isang araw lang para makapag-recharge.

vuukle comment

JESTONI ALARCON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with