^

Pang Movies

Juday nag-aral para sa home-schooling ng mga anak

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Juday nag-aral para sa home-schooling ng mga anak

Operational na pala ang Angrydobo Restaurant ni Judy Ann Santos pero sa Taft Avenue branch lang and limited lang sa take outs and deliveries.

Tulad ng ibang industry, aminado naman ang aktres na, of course, ay apektado rin ang kanilang food business because of the COVID-19 pandemic.

Nagsara rin ang lahat ng branches ng Angrydobo restaurant nila during the quarantine at siyempre, apektado pati na ang kanilang tauhan.

Kwento nga ni Juday, nang magsara sila, lahat ng supplies ng resto ay pinauwi niya sa lahat ng mga staff nila para naman kahit paano ay makatulong sa araw-araw na pagkain ng mga ito habang naka-lockdown. “And habang naka-quarantine, we are thinking of ways on how we’re gonna keep our staff, because as much as possible, we don’t want naman talaga hangga’t maaari na magtanggal ng tao,” sey ni Juday sa interview with Tim Yap sa YouTube.

Ikinuwento rin ni Juday ang buhay-quarantine nila sa bahay with husband, Ryan Agoncillo and kids. Aniya, para rin daw siyang aktres sa bahay with different roles. Nandiyang cook or chef siya, ‘andiyang housewife, ‘andiyang tutor sa mga anak, ‘andiyang gardener dahil nahihilig nga siya sa pagtatanim lately, at kung anik-anik pang role.

Pati sa tatlo niyang anak ay iba-iba rin ang kanyang role.

And bibilib ka rin sa kanya dahil nagagawa pa niyang mag-take ng online classes. She’s currently taking planting class at nagte-take rin siya ng ServSafe online course para sa kanyang restaurant business.

“And then I took up basic home schooling in preparation for what’s gonna happen sa susunod na pasukan ng mga bata. Parang I had to educate myself. How am I gonna do this? Ako pang hindi mahilig mag-aral noong kabataan?” sey ni Juday.

Natatawa pang kwento ng aktres, ang usapan nila ni Ryan, hati sila sa mga subject ng mga bata, siya raw sa Pilipino and P.E. subjects, at ang mister na niya sa iba, especially ang English subject.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with