Last Supper na kasama ang frontliners, nakaka-goodvibes
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 29, 2020 - 12:00am

Nakaka-good vibes naman ang ginawa ng isang OFW nurse and YouScooper from Abu Dhabi, United Arab Emirates, si Kim de Guzman, na nag-paint ng version niya ng Last Supper, na sa halip na ang mga disciples ang kasama ni Jesus Christ sa painting, ang kasama Niya ay mga COVID-19 frontliners.

Ang customized Last Supper painting showed Jesus sitting with a doctor, nurse, grocery worker, officer, flight attendant, delivery rider, chef and fast food worker among others. Instead of having food on the table tulad ng original image, isang poster na nakabukas ang nasa table na hawak ng isa sa kanila na ang nakasulat ay “Thank You.”

Ang painting ay ginawa ni Kim noong April at natapos niya ngayong May 20. “Ginawa ko ito to give courage to people and show that everyone is included, everything is important,” with a message na “Hold on, keep fighting. We are not alone. God is with us in this fight.”

Ayon kay YouScooper Kim, ginagawa niya ang painting tuwing matatapos ang shift niya sa hospital. Congratulations!

The one na!

Pinatunayan na ni Kapuso actor Tom Rodriguez na ang girlfriend na si Carla Abellana na ang kanyang ‘the one’ sa isang exclusive interview niya sa 24 Oras na mas naging klaro at napagtibay niya ang relasyon nila ngayong magkasama sila habang naka-lockdown dahil sa ECQ. 

Mas lalo raw naging supportive ang girlfriend sa kanyang mga ginagawa, tulad nang mag-perform siya sa Bayanihan Musikahan para mangalap sila ng funds para sa frontliners at mga apektado ng COVID-19.

Sa recent YouTube vlog naman ni Carla, kita ang sweetness ng dalawa nang ipagluto ni Carla ng specialty niyang Filipino dessert na Leche Flan dahil paborito pala ito ni Tom.

Patuloy din silang nagpapadala ng tulong sa mga taong mas apektado ng pandemic.  Sa ngayon ay miss na miss na rin ni Tom ang kanyang pamilya na nasa States, dahil hindi naman siya makadalaw sa kanila, kahit wala na siyang taping ng primetime telebabad niya, ang Love of My Life.  Pero gabi-gabi naman silang napapanood ni Carla sa rerun ng serye nilang My Husband’s Lover .

LAST SUPPER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with