^

Pang Movies

Ruby may bukol sa tiyan!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Inamin ni Ruby Rodriguez na may nakitang mass sa kanyang tiyan, na siyang dahilan ng nararamdaman niyang matinding pananakit kamakailan. Kailangang operahan si Ruby para maalis ang mass, mabuti naman at nasabay sa panahong may lockdown, at least hindi niya problema dahil wala ring Eat Bulaga at ang iba pa niyang mga show. Makakapahinga siya talaga nang mabuti.

Mahirap din ang nasa ospital, at ang ikinatutuwa lang ni Ruby, maganda ang view ng sunset sa kanyang hospital room. Nalagay siguro siya sa isang mataas na floor ng building ng ospital, at malapit naman kasi iyon sa Manila Bay.

Sana gumaling agad si Ruby.

GMA mas malaki ang binabayarang tax kesa sa ABS-CBN

Ang BIR na mismo ang nagpatunay na ang ABS-CBN ay walang “unpaid taxes.” Maraming lumalabas na ispekulasyon, na may ginamit silang mga pamamaraan para magbayad nang mas maliit na tax, pero legal iyon. Puwedeng sabihing hindi maganda, pero legal iyon.

Pero may pupunahin kami riyan sa taxes na iyan. Noong nagsimula ang hearing ng kamara tungkol sa franchise ng ABS-CBN, inilabas ni deputy speaker Rodante Marcoleta ang isang table kung saan may comparison ng taxes na ibinayad ng GMA 7 at ng ABS-CBN.

Sinasabing noong 2017, ang GMA Network ay nagbayad ng 1.09B piso, samantalang ang ABS-CBN ay nagbayad lamang ng 421M piso. Noon ding 2018, ang GMA Network ay nagbayad ng 1.08B, habang ang ABS-CBN ay nagbayad lamang ng 84M piso. Noong nakaraang tax year 2019, ang GMA Network ay nagbayad ng 10.6B piso, samantalang ang ABS-CBN ay nagbayad lamang ng 152M piso.

Maliwanag na sa nakaraang tatlong taon, higit na malaki ang taxes na binayaran ng GMA, at ni wala sa kalahati noon ang ibinayad ng ABS-CBN. Ibig sabihin mas malaking ‘di hamak ang kinikita ng GMA Network kaysa sa ABS-CBN, kaya kung may claims man ang network sa Kamuning na sila ang number one, aba eh mahirap mong pasinungalingan iyan ngayon. Maliwanag na mas kumikita pala ang kanilang mga show, ibig sabihin noon kaya ganoon, mas marami rin ang nanonood.

Naroroon tayo sa presumption na ang dalawang networks ay nagbabayad ng tamang taxes ha.

Sa nalalaman din namin, mas mura ang cost ng commercial spots ng GMA kaysa sa ABS-CBN lalo na sa primetime. Pero maaaring nangangahulugan iyon na ang pumapasok naman sa kanilang commercial spots ay mahigit na limang doble kung ang pagbabatayan ay ang taxes na kanilang binabayaran. Batay diyan, sino ngayon ang number one?

vuukle comment

RUBY RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with