Aga ayaw magparamdam!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 28, 2020 - 12:00am

Nag-trending sa Twitter ang topic na “Aga Please Say Yes” matapos i-reveal ni Lea Salonga na ayaw daw mag-guest ni Aga Muhlach sa Bayanihan Musikahan fundraising online concert ni Ryan Cayabyab.

“That’s right, I’ll be doing another  @BayanihanMusika concert! This time, we’ll have @realeriksantos and #IceSeguerra joining! So come and drop by for a feel-good Friday of music!#BigFridaySpecial,” ang unang tweet ni Lea.

Sunod niyang tweet, “Sa mga fans ng #LeAga, huwag na kayong umasa na may bibisita. We actually invited. Ang OA, ayaw magpakita.”

Kaya naman kaagad na nag-react ang fans. Ni-retweet ang post ni Lea at pinakikiusapan nila si Aga na mag-yes na.

Biro ng isang netizen, “Miss Lea, wala naman pong nagtatanong, pero parang kayo po yung umaasa hahahaha charot! Peroooo maaaaaaa, diba po malakas ka po kay Aga? beke nemen!!!! pabebe lang po ata, pagbibigyan din tayo nun kasi isa po siyang MARUPOK! Di ka niya matitiis.”

Komento naman ng isa pa, “@MsLeaSalonga pakisabi naman po kay sir Aga na trending siya, baka po kasi magbago na ang isip.”

Tweet pa ng isang fan, “Dear Mr. Aga Muhlach, Pumayag ka na ho. Nakikita ko yung mukha ni mumth lalo na do’n sa part na ‘Ang OA, ayaw magpakita.’ AKO LANG BA, AKO LAAAAAANG BA? HAHAHAHAHA.”

Komento ng isa pa, “AGAAAA AGAAAA AGAAAAAA!!! SANA NARIRINIG MO ANG AMING PAGSUSUMAMO.”

Well, sa Friday pa naman ang concert at malay natin, baka naman magbago na ang isip ni Aga at mag-guest na.

AGA MUHLACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with