^

Pang Movies

Pag-ayuda ng Covidyantes pinagbintangang peke

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Pag-ayuda ng Covidyantes pinagbintangang peke
Covidyantes

Ay naku, Ateng Salve, may iba talaga na hindi muna nag-iisip at basta na lang namba-bash ng mga celebrity na gumagawa ng paraan para makatulong sa kanilang kapwa ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Ang ABS-CBN comedian na si Eric Nicolas, biktima ng isang basher na OFW daw. Pinalalabas kasi ng basher na ‘yon na fake ang pagtulong sa kapwa ng grupong Covidyantes kung saan isa sa members si Eric.

Bale binubuo ang grupong ‘yon ng ilang comedians at advisers nila sina Randy Santiago, Edgar Mortiz, Al Tantay at iba pa.

May live Zoom events din ang grupo kung saan ay namimigay sila ng cash prizes.

Ang perang pinamimigay raw nila ay galing naman sa donasyon ng ilang mga kaibigan nila at isa nga sa mga nag-donate ay si former Congressman Albee Benitez.

Sabi ni Eric, wala raw kaalam-alam ang OFW na nam-bash sa kanila na documented ang lahat ng pinuntahan ng cash donations na natanggap ng grupo nila.

May pagkakataon pa na from his house in Las Piñas ay nag-drive pa si Eric papuntang National Children’s Hospital sa Quezon City para tulungan ang anim na batang pasyente doon.

‘Yung isang social worker na coordinator doon ang tumulong sa kanila. Ang isang batang nabigyan nila ng cash na P10,000 ay si Baby Georgina dahil may nagpadala raw sa Facebook account niya at nakita niyang sumuka ng dugo.

Bukod sa nasabing bata, may apat daw na nabigyan din nila ng tig-P10,000 credit sa hospital na ang mga pangangailangan like medicines ay ibabawas doon.

Nang paalis na raw sila ng hospital, may isang bata pa raw na inihabol sa kanila na pinagkalooban naman nila ng P10,000 cash.“Lahat documented. Buti na lang naisipan ko na kailangan naka-document lahat, kaya ‘yung mga ganyan na namba-bash sa amin, may maipapakita kami kung saan napunta ang perang galing din sa donation sa grupo namin,” sey ni Eric.

May ilang kapwa comedians din nila ang nabigyan din nila ng tulong mula sa nalikom na pera at may isang showbiz personality rin daw na nangangailangan ngayon ng tulong at naka-confine sa hospital ang bibigyan din nila ng tulong.

Pops at Shawie may bukingan sa YT 

Mamayang 8:00 p.m. nga pala, Ateng Salve, tutok ka na rin sa official YouTube channel ni Pops Fernandez dahil live sila ng guest niyang si Sharon Cuneta. Yes, siguradong maraming bukingan ang Concert Queen at ang Megastar mamayang gabi. ‘Yun na!

vuukle comment

COVID-19

ERIC NICOLAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with