Gretchen ayaw nang balikan ang nakaraan?!
Gretchen
Gretchen ayaw nang balikan ang nakaraan?!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - May 26, 2020 - 12:00am

Hindi pa rin kasali si Gretchen Barretto sa muling pagsasama-sama ng former hosts ng GMA Supershow for a project para magbigay ng message of hope sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Si John Nite ang nagbigay ng introduction sa video kung saan kinanta nina Bacoor Mayor Lani Mercado, Dawn Zulueta, Mariz, Jam Morales, Rachel Anne Wolfe, Princess Punzalan, Arlene Muhlach at Jackielou Blanco ang song na Smile na favorite ni the late German Moreno. Nasa video rin sina Dawn Zulueta na nagbigay ng message ganu’n din si Maricel Laxa.

Matatandaang sa reunion ng hosts ng show, wala rin si Gretchen, pero sabi ng mga present sa reunion, inimbitahan nila si Gretchen.

In-acknowledge sa video si Pops Fernandez na siyang kumausap sa mga nakasama sa Smile video pero, wala siya sa video.

Wendell tuloy ang pagsisilbi sa simbahan

Nagbu-volunteer pala sa parish nila sa Better Living, Para?aque ang lead actor ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Prima Donnas  na si Wendell Ramos. Sa isa sa mga bagong post ng aktor, nasa simbahan nila sa Better Living siya kasama ang iba pang church crew.

“Volunteered in today’s Sunday Online mass at Mary Immaculate Parish Better Living. Thank you Fr @gian_pipo and to the whole team for allowing me to be a part of your ministry.”

Kahit online mass, kailangan pa rin ng staff at dito napasali si Wendell. Nothing to worry dahil may face mask sina Wendell pati ang pari at nagpraktis sila ng social distancing.

Vlogger na rin itong si Wendell at noong may taping pa ng Prima Donnas, kapag nasa taping siya, favorite nitong i-vlog ang mga kasamang cast ng afternoon soap ng GMA-7.

Ipinakilala rin ni Wendell sa kanyang vlog ang anak na Wendell xx Ramos ang nakalagay na pangalan at member ng band na Pretty Malditos. 

GRETCHEN BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with