^

Pang Movies

Karla nagpapa-sexy para sa kasal nila ni Jam?!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Karla nagpapa-sexy para sa kasal nila ni Jam?!
Karla

Wow, Ateng Salve, mukhang dahil lockdown nga tayo dahil sa COVID-19 pandemic, maraming mag-sweethearts ang nagpaplano na ring magpakasal kapag naging maayos na ang lahat ng mga pinagdadaanan natin ngayon.

May nagtsika sa akin na nagpaplano na raw ng wedding si Karla Estrada at ang boyfriend niyang si Jam Ignacio.

Eh, ‘di ba, magkasama nga sa lockdown ang mag-sweethearts?

Panay nga ang exercise ng dalawa at parang si Jam ang trainer ng nanay ni Daniel Padilla. Mukhang nagpapapayat nga si Karla para sa big event ng buhay niya next year.

Hindi pa naman nag-a-announce talaga ang dalawa tungkol sa pinaplanong wedding at kung engaged na ba talaga sila.

Pero ‘yung pinost daw ni Karla sa kanyang Instagram account na maikling video ng dagat na kita ang beach at may music at ang caption ay “Soon” na may blue heart followed by a ring and a red heart ay pahiwatig daw ng nalalapit niyang kasal at mali raw ang duda ng iba na future wedding ‘yon nina Daniel at Kathryn Bernardo.

Kung saka-sakali raw, intimate wedding lang ang magaganap kina Karla at Jam.

Wow, nakaka-happy naman kung sakaling matutuloy na nga ang pagpapakasal na ‘yon nina Karla at Jam next year.

Noong bago pa lang nari-reveal ang relasyong Karla-Jam ay ilang malalapit sa una ang nakatsikahan ko at tinanong tungkol doon. At in fairness, lahat ng mga tinanong ko ay boto kay Jam. Nakilala na raw nila si Jam at hindi raw mayabang ang lalaking ‘yon.

Kapag nakakasama nga raw nila ang mag-sweethearts, hindi raw epal si Jam, kaya gusto siya ng mga kaibigan ni Karla.

Saka masipag din daw ito at sa pagkakaalam ng mga nakatsikahan ko, may business ang boyfriend ni Karla.

Feel na feel din daw nila ang pagmamahal ng binata sa isa sa hosts ng Magandang Buhay.

Wow, ang bongga!

Naku, Ateng Salve, baka naman dahil sa item na ito ay bigla ka na ring magplano na magpakasal next year, huh!

Hahaha! ‘Yun na!

vuukle comment

COVID-19

KARLA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with