^

Pang Movies

Sam matanda na raw para kay Catriona!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sam matanda na raw para kay Catriona!
Catriona

“Anong say mo kina Sam Milby at Catriona Gray?” ang tanong na nabungaran ko sa aking messenger kahapon. Nag-isip pa kami, ano nga ba ang kinalaman namin kina Sam at Catriona?

Si Sam, sumikat iyan noong unang batch ng Pinoy Big Brother ( 2005), tapos nakagawa ng ilang pelikula at ilang tv shows, pero sa panahong ito malamig na ang kanyang career.

Ngayon nga lang namin siya narinig ulit. Iyan namang si Catriona, dating Miss Universe, at taun-taon may bagong Miss Universe kaya natural lang na pagkatapos mo wala na rin ang title mo at ngayon gusto yata niyang magsimula ng career sa showbusiness.

Iyon pala kaya kami tinatanong nang ganoon ay dahil umamin na raw si Sam na sila na ni Catriona at mag-syota na ngayon. Aba katakut-takot na reaksiyon ang nakita namin mula sa mga netizen, nakakagulat nga lang dahil ang mas marami negative ang dating. Ang punto pa, mukha raw masyado nang matanda si Sam kay Catriona. Kung tutuusin naman, ano nga ba ang pakialam natin kung talaga namang nagkakagustuhan sila?

Kasabay noon, maraming netizens ang mukhang nang-aasar at nagpo-post pa ng mga picture ng model at nag-aartista na ring si Clint Bondad, na ex syota ni Catriona. Siyempre mas bata si Clint ng sampung taon kaysa kay Sam, at dahil modelo nga ay mas maganda ang katawan. Mukhang mas marami ang may crush kay Clint kaysa kay Sam, pero ano ang pakialam natin kung sino ang gusto ni Catriona talaga.

Pabayaan na lang ninyo. Malalaki na sila. Kasabihan na nga “buntot mo, hila mo.” Ayaw na na­ming makialam sa mga hindi naman talaga issue.

Guidelines sa paggawa ng pelikula hindi na kailangang pagtalunan

Ano ba talaga ang pinag-aawayan nilang guideline sa shooting ng pelikula? Bakit nagpipilitan sila kung ano ang gagamitin? Iyan ay “guidelines” lamang. Ibig sabihin guide o gabay lang kung papaano ang dapat gawin sa shooting para ligtas ang lahat.

Hindi iyan isang batas na dapat sundin. Kahit sino maaaring gumawa ng sarili niyang guideline, at walang pakialam ang iba kung anong guideline ang susundin niya.

Kung may nag-aakalang ang guideline nila ay magkakabisa kagaya ng isang batas, aba in trouble kayo dahil walang makagagawa ng batas kundi ang kongreso lamang. Ipagpilitan ninyo iyan baka umabot pa kayo sa Korte Suprema.

Guidelines lang iyan eh pagtatalunan pa ba? Eh ‘di bawat isa gumawa ng sarili niyang guideline, tutal kung may mangyayari naman sa shooting nila eh sila ang mananagot at hindi naman iba.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with