^

Investment sa vitamins, sulit para ‘di magkasakit!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - May 26, 2020 - 12:00am

Now higit kailanman naging totoo ang kasabihang health is wealth.

True, what is more important pa ba ngayon kundi ang maging ligtas ka sa sakit, mabuti ang lagay mo at matibay katawan mo.

Saan mo gagamitin ang mga signature bag and shoes mo kung hindi naman puwedeng lumabas?Ano ang silbi ng magagandang damit mo eh bawal naman ngayon ang big gathering at crowds?

Hay naku, now ang big investments na dapat gawin ng bawat isa ay sa vitamins at medical check up para laging tune up ang body mo.

Naku, hindi ko na problem iyan dahil 73 na ko, ok na at bonus na ang added years ko.

Ngayon ko tuloy mas naa-appreciate ang mga bakuna na pinipilahan ko sa SWA (Social Welfare Agency) para sa libreng sarsaparilla at nutribun, hah hah noon, siguro dahil na-overdose ako, tumagal lifeline ko.

Basta, now ingatan ang health, para humaba ang buhay.

Bianca at Miguel magkasama sa lockdown

Mabuti naman ang ginagawa nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ngayon sa free time nila.

Nag-aral silang tumugtog ng cello, isang musical instrument, sinamantala nila habang hindi pa sila abala sa showbiz activity dahil nasa quarantine period pa.

Ganyan ang dapat gawin ng mga artista, matuto ng iba pang talent habang walang pinagkakaabalahan. Dagdagan ang kaalaman at huwag maging idle dahil ‘di ba nga ang sabi, pag wala kang ginagawa, bad thoughts enter your mind.

Ang dapat gawin ay magpaka-busy at kapaki-pakinabang ang bawat oras para maging maganda ang aura mo pagbalik sa trabaho and at the same time nadagdagan pa ang talento mo.

Good job Bianca and Miguel. 

AshMatt hinihintay kung nakabuo na!

Mukhang ang happy nila Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo nang lumabas sila sa TV Patrol.

Mukha silang at peace at walang problema. At timely naman ang kanilang pagpapakasal dahil biglaang nagkaroon ng lockdown kaya they spent almost three months of being together na walang pressure from work na iniisip.

Mukha namang very responsible married man si Matteo at very happy housewife naman ang dating ni Sarah.

Naku ha, three months lockdown iyon, baka nakabuo na ng baby ang AshMatt, Salve, baka iyon na ang big news na bubulaga sa susunod, bongga ‘di bah!!! 

BIANCA UMALI MIGUEL TANFELIX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with