Jennylyn pinasok na rin ang pagde-deliver ng tinapay
Jennylyn
Jennylyn pinasok na rin ang pagde-deliver ng tinapay
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 25, 2020 - 12:00am

Magkasunod lamang ang birthday ng Kapuso couple na sina Dennis Trillo (May 12) at Jennylyn Mercado (May 15), kaya sa post ni Jen sa kanyang Instagram wall:  “Happy and proud ako na natupad ang pangarap kong maging baker, dahil sa pamamalagi ko sa bahay habang naka-lockdown. Kaya noong birthday ni Dennis ako na ang nag-bake ng cake niya dahil wala namang nagbebenta ng birthday cake ngayon.  At noong birthday ko, ako na rin ang nag-bake ng carrot cake na paborito ko.”

Matatandaang ang isang business ni Jennylyn ay gumawa ng cookie kaya kahit lockdown may mga nag-oorder pa rin ng cookie niya. “Wala namang pwedeng mag-handle nun kaya ako na ang tumatanggap ng orders, tapos ako rin nagdi-deliver, tinutulungan naman ako ni Dennis.  Nahilig na rin si Dennis mag-bake dahil napapanood namin sa videos online, kaya may recipe na rin kami para gumawa ng sarili naming cake, pizza at tinapay.”

Ngayon ay pinaghahandaan na rin nina Jen at Dennis ang muling pagbubukas ng kanilang cat cafe at salon, para ready na sila kapag pwede na.  Miss na rin ni Jennylyn ang pagbabalik ng taping ng Descendants of the Sun, samantalang napapanood naman gabi-gabi si Dennis sa rerun ng My Husband’s Lover.

Janine kanselado lahat ng biyahe

Marami palang na-cancel na trips sa Japan at Bangkok si Janine Gutierrez dahil hindi nga siya makaalis sanhi ng umiiral na enhanced community quarantine.  Concerned si Janine sa kanyang health kaya no problem kung hindi man siya nakaalis tulad noong April 11, na may international screening sana ang movie nila ni Paolo Avelino na Ngayon Kaya para sa isang summer film festival abroad.  Kahit ang pagri-resume daw ng taping, mahirap pa rin. “Mas mahalaga sa akin ang kalusugan ko at sa mga makakasalamuha ko rin,” sabi ni Janine. 

“Cases are still rising ‘di ba?  Kaya hindi pa rin natin alam kung ano ang magiging precautions ng network or production companies kapag pwede na silang bumalik sa work,” dagdag ng dalaga.

JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with