^

Pang Movies

Actor na daig pa ng grade 2 ang utak, tinawag na rabbit test ang rapid test

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Wish daw sana ng talent handler na ito na nagsumikap mag-aral habang may qua­rantine ang hunky male starlet na alaga niya.

Sa social media accounts daw nito, puro workout at home ang pino-post. Minsan ay may pa-TikTok video pa ito.

Inaalagaan daw nito ng husto ang kanyang katawan pero ang utak daw nito ay nananatiling malabnaw.

Aminado ang talent handler na very slow ang takbo ng utak ni male starlet. Pati raw comprehension nito sa English language ay kaya siyang talunin ng batang nasa grade 2.

Minsan daw nag-text ito sa kanya at nagtatanong tungkol sa “second crunch”. Nang tanungin daw niya kay male starlet kung ano ang ibig nitong sabihin, sinabi nito na ang isang tiyahin daw nito sa probinsya ay single parent at di raw ito nakasama sa “first crunch” ng SAP. Makakasama raw ba ito sa “second crunch”

Na-get na ni talent handler ang text sa kanya. Sagot nito: “Anak, baka tranche ang sinasabi mo. Hindi crunch. Di ‘yan biscuit o cracker.”

Sunod daw na text ay kung babalik sila sa ­taping, kailangan daw ba niyang magpa-“rabbit test” para sila magka-COVID-19?

Agad na nag-reply si handler ng: “Anak, rapid test yon. Walang kinalaman ang kuneho sa COVID-19.”

Mabait at malam­bing naman daw si male starlet. Mabuti na lang daw at guwapo at macho rin ito kaya puwede nang pantakip sa kakulangan nito sa utak.

Taylor tuloy ang negosyo kahit may pandemic

Kahit may quarantine, umiral pa rin ang pagiging isang businesswoman ni Taylor Swift. Kahit na kanselado lahat ng live performances sa mga big venues, nagawa pa rin ng singer na ipagpatuloy ang kanyang pag-entertain sa maraming Swifties sa pamamagitan ng mga streaming platform.

Si Taylor nga lang ang nag-iisang artist na mapapanood sa Netflix, Hulu at Disney+ streaming services.

On Netflix ay napapanood pa rin ang kanyang documentary na Taylor Swift: Miss Americana na unang nag-premiere sa Sundance Film Festival at umere sa Netflix noong January 2020.

Sa Hulu at Disney+ naman ay nag-premiere ang kanyang television special na Taylor Swift’s City of Love. Live recorded concert ito sa L’Olympia Theater in Paris.

Dahil kanselado ang kanyang Lover Fest Tour dahil sa COVID-19 pandemic, ito ang paraan ni Taylor para patuloy ang pagpapasaya niya sa kanyang fans.

Kung music lang ang trip ng fans, available sa music platforms naman tulad ng Apple Music at Spotify ang latest album niya na Lover.

vuukle comment

TAYLOR SWIFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with