LT nanghinayang na hindi na-lockdown sa bukid
Nanghinayang si Lorna Tolentino na hindi siya sa farm niya sa Cavite inabot ng lockdown.
Siguro kung doon siya inabutan, by this time, naku negra na si Lorna dahil gustung-gusto niyang maligo sa ilog dun sa farm niya.
Eh pag nababad sa tubig-dagat si Lorna, umiitim.
Lahat sila, ang gusto sa probinsiya abutan ng lockdown dahil nga mas napapahinga sila at mas hindi nakakulong lang sa bahay dahil meron nakikitang ibang scenery at iba ang hangin kahit walang aircon.
Wow, talagang hindi nila akalain na makakabakasyon ng ganun katagal hah hah.
Boyet at Sandy puwede pang bumawi
Buti na lang at hindi nagpunta sa Batangas sila Christopher de Leon at Sandy Andolong. Kundi baka tulad ni Amy Austria at asawang si Duke Ventura dun sila na-lockdown sa resthouse nila.
Kundi baka almost 3 months din sila Boyet at Sandy doon. At baka naman mas mabuti para kina Sandy at Boyet ang hangin dagat, at baka tulad nila Amy at Duke na parang ayaw nang umuwi ng Maynila dahil doon sila. Kasi nga sa probinsiya, quiet, malinis ang hangin, at simpleng-buhay talaga.
Pero patapos na ang lockdown, saka na lang bumawi sina Boyet at Sandy.
- Latest