Dingdong
Dingdong tutok pa rin sa pagiging marine reservist
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - May 23, 2020 - 12:00am

Unknown to many, si Dingdong Dantes ay isang marine reservist as early as 2006 and was commissioned sa reserved force nu’ng isang taon.

Mula sa pagiging master sergeant ay na-promote siyang Lt. commander ng Philippine Navy nung nakaraang January 27, 2020. Ang mister din ni Marian Rivera ang tumatayong assistant vice-chairman ng  Logistics Support Group of Frontliners Brotherhood Incorporated na affiliated sa PN Affiliate Reserve Units program sa ilalim ng Marine Affiliated Reserve Combat Service Support Batallion.

 Si Dingdong ay sumama at tumulong sa pagdi-distribute ng mga pagkain at kasama na rito ang mga inihanda ng kanyang misis na si Marian ma­ging ng mga PPE para sa mga kasamahan niyang frontliners na nakatalaga sa mga checkpoint sa iba’t ibang lugar.

Since hindi pa naman nagre-resume ang mga taping at shootings, tutok muna siya sa kanyang pamilya at ngayon sa kanyang pagtulong bilang marine reservist.

Bago ang lockdown ay may tumatakbong serye si Dingdong opposite Jennylyn Mercado, ang local remake ng Korean action-drama series na Descendants of the Sun.

New normal sa showbiz inaabangan na

Kapag nag-resume ang taping ng mga teleserye at shooting ng movies, maraming mga pagbabago ang ipapatupad under the New Normal situation dahil sa coronavirus ­(COVID-19) pandemic.  Bukod sa social distancing at pagsusuot ng face mask, marami ring mga bagong patakaran ang ipapatupad at kasama na rito ang pagtatrabaho ng industry workers from 20 to 59 years old lamang.  Paano na lamang ang mga 19 years old pababa at 60 years old pataas?  Ang katuwiran, vulnerable umano sa sakit ang mga bata at matatanda kaya sa bahay muna sila.

Kung ito’y ipapatupad sa TV and movie industry, malamang na ito’y i-apply sa lahat ng sector. Kaya paano na lamang ang mga nasa local transport sector tulad ng mga tricyle, taxi, jeepney, bus drivers at iba pa?

Samantala, dahil sa bagong patakaran, posible kaya ito? Paano tatakbo ang isang serye o pelikula na walang bata o matandang actor na kasali?

Ano sa palagay mo, Salve A.?

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with