AshMatt ayaw pang magka-baby
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 23, 2020 - 12:00am

Parang kailan lamang ikinasal sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo in a civil wedding last February 20, 2020, kaya ngayong three months na silang married, may mga nagtatanong na netizens kung magkakaroon na raw ba ng baby ang mag-asawa? Naitanong ito kay Matteo sa isang interview.  Pero sagot niya, hindi pa raw, wala pa silang plano. Baby plans? I don’t think so, not yet.  We’re just enjoying our time together,nakangiting sagot ni Matteo.

Ini-enjoy nga raw ng newlyweds ang mga first times nila together ngayong mag-asawa na sila, hindi tulad noong boyfriend/girlfriend pa lang sila.

Sanya bawal tumaba

Si Kapuso star Sanya Lopez ang kasalukuyang 2020 Ginebra San Miguel Calendar Girl, kaya naman sa kabila ng dalawang buwan na tayong naka-lockdown dahil sa enhanced community quarantine, hindi siya nagpapabayang tumaas ang kanyang timbang, kaya binabantayan niya ang mga kinakain niya, ang kanyang diet. “Ang hirap po kasi dahil wala tayong ginagawa ngayon, masarap kumain,” natatawang paliwanag ni Sanya. 

“Kaya mas binabantayan ko ngayon ang diet ko, ako ang nagluluto ng pagkain ko na dapat kong kainin, patuloy po ang workout ko.  Iyon lamang ngayon ay nagagawa ko nang matulog nang mas matagal, di tulad noong busy tayo sa work, hindi ako makatulog ng required na eight hours sleep.”

Masaya si Sanya na muli niyang napapanood ang rerun ng epic serye nila nina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Glaiza de Castro, ang Encantadia, gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.

MATTEO GUIDICELLI SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with