Ruffa nanghihinayang na naputol ang LTW!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - May 23, 2020 - 12:00am

Obviously, nanghihinayang si Ruffa Gutierrez sa kasalukuyang pag-shutdown ng ABS-CBN, dahil sa pinag-uusapang problema ng network na may kinalaman sa franchise.

Kasama kasi siya sa fast trending series sana na Love Thy Woman, which is maituturing na kanyang comeback soap sa Kapamilya network, after I Heart Betty La Fea kung saan nakasama niya si Bea Alonzo.

Sa Love Thy Woman kasama niya ang iba pang magagaling na aktres at mga aktor na sina Christopher de Leon at Xian Lim.

Two of the directors of the series are Jerry Lopez Sineneng at Andoy Ranay.

Pelikula ng Gold Squad, hindi pa alam ang kapalaran

May film sana palang gagawin si Andrea Brillantes with her fellow The Gold Squad talents, na sina Kyle Echarri, Francine Diaz at Seth Fidelin, kung hindi sa lockdown  dala nga ng pandemic na COVID-19.

Ang apat ay magkakasama sa series na Kadenang Ginto na kasama rin sina Dimples Romana, Beauty Gonzales, Richard Yap at Albert Martinez.

Come to think of it, natuloy kaya ang paglipat ni Andrea at ng kanyang pamilya sa ipinagawa niyang bahay sa isang exclusive subdivision sa Quezon City? Last April sana ang balak nilang paglipat sa bahay, na kung saan ito ay fully furnished na.

Billy at Coleen ayaw pang ibunyag ang gender ng baby

Asikaso to the max si Billy Crawford sa asawang si Coleen Garcia, na ngayon ay six months pregnant. The baby, na ayaw pa nilang ibunyag ang gender, is of course, their first. Which to them doesn’t matter really.

Sa kaalaman ng lahat, Billy is an only child.

Mother Lily nawiwili sa pakikinig ng music

Tulad ng ibang mga senior citizen na stay home lang, libangan na ni Mother Lily ang makinig ng mga musika ng kanyang mga favorite international singers, halimbawa na lang ang musician, composer-cum-singer na si Andrea Bocelli, yes, via YouTube.

Almost everyone in showbiz know na music lover si Mother Lily. She plays a number of musical instruments. Pero, paborito niya ang tumugtog ng piano.

If we remember right, sa isang birthday event niya, niregaluhan siya ni Bong Revilla, na wala pa noon sa pulitika, ng piano na tinutugtog niya pag naiinip siya.

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with