Comedy bars sarado na Allan K ibinenta na ang bahay at lupa!
Allan K
Comedy bars sarado na Allan K ibinenta na ang bahay at lupa!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - May 23, 2020 - 12:00am

Lumipat na si Allan K sa mas maliit-liit na bahay. Naibenta na niya ang pinagawang bahay at lupa nito na dating pag-aari ng kilalang politician.

Sa QC pa rin nakatira si Allan. Nangyari ang bentahan bago pairalin ang enhanced community quarantine.

Apektado ang work niya sa Eat Bulaga at ilang biyahe sa abroad. Pati ang negosyo niyang comedy bars ay nagsara rin.

Naging blessing ang pagbenta ni Allan ng bahay dahil siya ang tumustos sa pagpapa-ospital ng bunsong kapatid na lalaki bago namatay.

Gaya ng ibang leisure business, bumalik man ang comedy bars ni Allan, marami nang pagbabagong magaganap dahil sa tinatawag na new normal!

ALLAN K
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with