Catriona
So sila na nga… Catriona, umaming ‘my happiness’ si Sam
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - May 23, 2020 - 12:00am

Kahapon ay tinutukan ko ang Lunch with the Stars LIVE! show sa Facebook page ng Cornerstone Entertainment. Birthday special episode kasi ‘yun ng first talent nilang si Sam Milby.

Actually, ngayon talaga ang birthday ni Sam.

Ang mga nag-surprise kay Sam ay ang mga malalapit sa kanya na sina Moira, Yam Concepcion at John Prats na tumulong din kay Pooh sa pagko-co-host sa FB live nila.

Ang mga bumati naman sa pamamagitan ng video ay ang best friend ni Sam sa Pinoy Big Brother pa lang na si Say Alonzo, dalawang niece niya at ang rumored-girlfriend niya na si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Pero alam mo ba, Ateng Salve, kaya talaga ako tumutok sa birthday live ni Sam ay dahil may nagtsika sa akin na aamin na raw ang aktor na girl­ffriend talaga niya si Catriona.

Pero grabe nga ang tili nina Pooh at John at kilig na kilig din si Sam habang nagda-dialogue na nahihiya siya pero walang pag-amin mula sa aktor.

Pero kung ang reaksyon nina Pooh at John ang pagbabasehan, pati na ang pautal-utal na message ni Sam dahil sa pagbati sa kanya ni Catriona, obvious naman na mag-sweethearts ang dalawa, ‘noh?!

Mismong ang ibang kasamahan din kasi nina Sam at Catriona sa Cornerstone Entertainment ang palihim na pinag-uusapan ang relasyon nila lalo na noong very sweet daw ang dalawa nang magkasama sila sa Christmas party ng nasabing talent management company.

Dialogue nga pala ni Sam, super kilig daw siya sa message ni Catriona, hindi raw talaga niya in-expect at sumi­ngit ng dialogue si John at sinabing, “Okey na, alam ko na, okey na!” na talagang nagpa-obvious kung ano ba ang relasyong meron ang aktor at ang beauty queen, huh!

Nag-“Thank you and you’re very special!” din si Sam sa message niya kay Catriona.

Ang birthday message naman ni Catriona kay Sam ay, “I hope that you have an amazing year ahead. More birthdays. My happiness... You are loved by so, so many!”Malinaw ang sinabi ni Catriona na “MY HAPPINESS” na reading between the lines nga ay puwedeng sabihing may relasyon talaga silang dalawa, huh! Ano ang masasabi mo, Ateng Salve?! ‘Yun na!

CATRIONA GRAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with