^

Pang Movies

Gabby naging yummy sa quarantine

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Gabby naging yummy sa quarantine
Gabby

Si Gabby Concepcion ang may karapatan sa titulong “Quarantine Hot Daddy” dahil sa nag-viral na sexy photo nito sa Instagram.

Shirtless at naka-underwear lang sa naturang photo si Gabby at puwedeng-puwede pa siyang makipagsabayan sa mga young actors na mahilig mag-post ng pang-thirst trap na litrato sa social media.

Obvious na panay ang workout ni Gabby habang may lockdown pa.

“BOARDWALK LOCKDOWN. Working out is a way to keep my mind and body busy during this lockdown period of uncertainty. What are you doing to stay healthy during these times? Let me know!” caption pa ni Gabby.

Dahil sa kanyang unshaven rugged look with matching pagpapakita pa ng abs, maraming netizen ang nag-comment na lookalike na ni Gabby si Hugh Jackman bilang si Wolverine sa X-Men.

Flattered si Gabby sa mga comments na natanggap niya sa kanyang daring IG post. May ibang netizen kasi ang nag-wish na nakasama nila ang aktor sa lockdown.

Sa kanyang vacation house sa Lobo, Batangas nag-quarantine si Gabby at pinu-post din niya ang pagtingin niya sa kanyang mga tanim na saging at iba’t iba pang tanim.

Nagpapadala rin daw ng tulong si Gabby sa mga frontliner sa Batangas at sa iba pang nangangailangan ng tulong sa Lobo.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with