Yassi
Yassi nag-sorry para kay Coco
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 22, 2020 - 12:00am

Sa gitna ng pangba-bash na nararanasan ni Coco Martin ngayon, tumayo ang leading lady niya sa FPJ’s Ang Probinsyano na si Yassi Pressman para magpahayag ng suporta sa aktor.

Sa latest Instagram post ni Yassi, ay humingi siya ng dispensa para kay Coco kung nadala man ito ng emosyon.

“Mga Kaibigan po, mga Kapamilya, mga Kapuso, at mga mahal ko pong mga kababayan... Si Coco Martin po ay ilang taon ko na pong kilala, at sa pagkakakilala ko po sakanya ay mabuti po siyang tao.

“Pasensya na po kayo, kung sa pagkarinig po ninyo ay nadadala po siya sa kanyang emosyon, at yun po ay dahil mahal na mahal niya po ang mga “kapamilya” niya.

“Kami po iyon... mga katrabaho, sa harap ng kamera at sa likod.. mga pamilya po niya,” pahayag ni Yassi.

Hinihingi ng aktres ang pang-unawa ng lahat para kay Coco na ipinagtatanggol lang daw sila.

“Katulad po ng pagtatanggol po ninyo sa mga kaibigan, kapatid, mga magulang, at anak.... ganun rin po ang tingin niya saamin.

“Sana po maintindihan po ninyo,” aniya.

Sa huli ay nagpasalamat si Yassi sa kanyang leading man at Kapamilya.

“Salamat Coco, sa lahat ng mabuting nagawa mo para sa aming lahat, at hindi namin makakalimutan ang lahat ng iyon habang buhay,” pagtatapos ni Yassi.

Na-touch naman ang mga CocoYass fans at nagpahayag din ng suporta para sa kanilang idolo.

Anila ay mahal na mahal nila ang dalawa at hihintayin nila ang pagbabalik ng mga ito sa telebisyon.

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with