Maraming jobless na artista, aligaga sa pagne-negosyo ng mga niluto
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - May 20, 2020 - 12:00am

Mahigit dalawang buwan na ring walang trabaho ang mga artista dahil sa lockdown sanhi ng COVID-19 pandemic, ang iba sa mga ito ay naging productive at patuloy pa ring kumikita dahil ginamit nila ang kanilang kaalaman sa pagluluto at ilan sa mga ito ay ang singer-comedian na si AiAi delas Alas, ang singer-actress na si Ara Mina at ang actress na si Janice de Belen. 

Malaking tulong din ang social media sa pamamagitan ng Facebook Messenger and Viber para makatanggap ng orders at mai-deliver sa mga customers sa tulong ng iba’t ibang food delivery services.

Malaking tulong kay Ai-Ai ang kanyang pamilya, ang kanyang mister na si Gerald Siba­yan, mga anak na sina Sancho at Sophia, ang misis ni Sancho at nobyo ni Sophia para maisakatuparan niya ang kanyang passion sa pagbi-bake ng ube pandesal, ube crinkles at Brazo de Ube sa gitna ng MECQ (modified enhanced community quarantine) sa kanyang bahay na kanyang pinagkakakitaan ngayon.

Dahil sa bagong discovery na ito ni AiAi sa pagbi-bake, malamang na idagdag na niya ito sa kanilang itinayong business kapag  bumalik sa sa normal ang lahat.

Si Ara Mina naman ay may apat na branches ng Hazelberry Cakes and Pastries sa iba’t ibang mall including Ayala Malls – Feliz in Marikina.  Pero dahil sa lockdown, ay nagsarado ang mga mall although ang ilan sa mga ito ay bukas na.

Hindi rin naman naging hadlang kay Ara ang pagsasarado ng kanyang apat na branches ng Hazelberry dahil pinagpatuloy niya ang paggawa ng mga cakes and pastries sa kanyang bahay kung saan siya tumatanggap ng orders online.

Kasama rin sa naging busy sa gitna ng ECQ ay sina Janice de Belen at Lotlot de Leon na parehong in-activate ang kanilang respective online business.

Pinagkakaabalahan din ng ina ni Janine Gu­tierrez ang cooked meat at pastries at ready to eat meals na kanyang binibenta.

Ginamit din ni Janice ang kanyang pagiging chef para magkaroon siya ng online food business na kung gugustuhin nina Judy Ann Santos, Christopher Roxas, Victor Neri, Erwan Heussaff,  at iba pang celebrity chefs ay kaya rin nilang i-tap ang online food business.

Samantala, ang ibang celebrities naman ay nag-enjoy sa gardening and farming  lalo na yung may mga farm sa iba’t ibang lugar outside Metro Manila  tulad ng actor na si Gabby Concepcion na inabutan ng lockdown sa kanyang farm and beach house sa Lobo, Batangas.

In-enjoy naman ng Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro ang lockdown sa kanyang resthouse in Baler, Aurora dahil bukod sa kasama niya ang kanyang Irish boyfriend na si David Rainey ay kasama rin nila ang parents ng singer-actress.  Na-enjoy din nila ang buhay probinsiya.

AIAI DELAS ALAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with