Kim nagising na sa bangungot!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 20, 2020 - 12:00am

Nag-trending si Kim Chiu sa Twitter kahapon (Tuesday) dahil sa inilabas niyang MV (music video) ng full version ng kantang Bawal Lumabas (The Classroom Song) na hango sa kontrobersyal na “classroom” statement niya.

In-upload ni Kim ang MV last Monday night at kasabay nito ay nagsalita rin ang aktres hinggil sa naging feelings niya sa katakot-takot na panlalait na natanggap niya.

“Yes, I am back, your teacher sa classroom, charot! Eme (kiyeme) lang,” nakangiting bungad ni Kim.

“Nagsara muna ako ng puso at isipan ko because of what happened, siyempre, maraming mga taong perfect, ay hindi, charot! Echos lang!” sey pa niya.

“Pero aaminin ko, hindi naman ako magla-lie to each and everyone sa inyo, I was really down the past few days as in, super-down, pinakamababa pa sa basement ng parking lot,” sabay-tawa.

Pero ang problema raw ay hindi dapat tinatambayan kaya nag-decide na siya to move forward.

Itinigil daw niya ang paggamit ng social media para hindi na niya mabasa pa ang mga negative remarks ng mga tao.

“I chose to stay away sa cellphone ko, kahit cellphone ko, hindi ko hawak for ilang days just to keep my sanity,” she said.

Sobrang hurtful words daw ang mga natanggap niya at hindi niya inakalang masasabi raw pala ng mga tao ang ganu’n katitinding mga salita.

“’Yung mga tao, pinagtawanan ‘yung sinabi ko at ako rin, honestly, natawa na lang din ako. Sabi ko talaga, ‘shucks, di ko naintindihan din pala ‘yung sinabi ko, no, kaya hindi ako binoto ng mga kaklase ko nun’g pag ako ‘yung pinagde-debate nila,” natatawa niyang sabi.

Pero at least daw ay maraming natawa sa mga sinabi niya kaya past is past na raw at gusto raw niyang i-turn ang negative into positive.

Sa video ay pinasalamatan din ni Kim ang mga friends and supporters niya na nandiyan daw at the lowest point of her life. Pero may open letter from netizen na labis niyang ikina-touch at talagang nagbigay sa kanya ng encouragement kaya naman sobrang thankful siya sa taong ito na hindi niya kilala.

Hinanap niya ang netizen na nagngangalang Adrian at inimbita rin sa kanyang vlog para makausap at personal na makapagpasalamat.

Inimbitahan din niya sa nasabing vlog si DJ Squammy na lumikha ng mga videos (na nag-viral) gamit ang kanyang classroom statement at nilapatan ng beat.

Dahil dito ay naisip ng Star Music na gawin na talagang full song ang classroom statement ni Kim sa tulong ni Adrian at DJ Squammy.

As of writing, umaabot na sa 1.2M views ang video ni Kim in less than 24 hours mula nang i-upload niya ito bukod pa nga sa nag-trending siya sa Twitter pati na rin ang hashtag na #BawalLumabas.

Kaya naman masayang-masaya ang aktres at nagpasalamat na sa kanyang Instagram.

“BEST GISING EVER!!!!!! GOOD MORNING CLASSMATES!

“That feeling na nagising ka trending ka ulit, kinabahan ako. Pero nung nabasa ko, para akong nagising sa isang bangungot!!! Gusto ko pong magpasalamat sa lahat!!!

“Things may put you down pero tayong mga pilipino hindi natin nakakalimutan tumawa sa gitna ng pinagdadaanan natin. Mahilig tayong tumambay pero hindi sa problema. Salamat sa lahat ng nagbigay inspiras­yon sakin.

“Lets spread love, kindess and positivity. Good vibes lang ang pwede sa classroom! Tama? Tama!!!!“ ang post ni Kim.

KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with