^

Pang Movies

Kahit nag-sorry na Mocha ‘di pa lusot sa NBI!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kahit nag-sorry na Mocha �di pa lusot sa NBI!
Mocha

Nagpunta na pala si Mocha Uson sa NBI, kaugnay sa pinalabas na subpoena dahil sa diumano ay fake news na kanyang kinalat sa kanyang blog. Kaugnay iyan sa mga sinabi niyang mga PPE o personal protective equipment na ibibigay sa mga ospital na mukhang mali ang kanyang source. May nagreklamo at siyempre tutugunan naman ng NBI.

Bago pa man kuwestiyunin ng NBI, nag-apologize na si Mocha sa kanyang naging pagkakamali, pero ngayon sinasabi naman ng NBI sa pamamagitan ng hepe ng kanilang cybercrime division na si Vic Lorenzo na ang paghingi ng paumanhin matapos na maglabas ng fake news ay hindi lusot. Ngayon ang inaasahan ng NBI ay magsusumite si Mocha ng isang affidavit na nagpapaliwanag sa nangyari at doon sila babase sa kanilang gagawing report kung siya nga ba ay may kasalanan o wala. Doon din sila gagawa ng rekomendasyon kung anong kaso ang isasampa sa kanya kung sakali.

Si Mocha ay “deputy administrator” din ng OWWA o Overseas Workers Welfare Administration, pero walang kinalaman ang trabaho niya sa kanyang mga ginagawang blog.

Nauna riyan, inabsuwelto na rin si Mocha nang magkipag-meeting siya sa mga OFW na naka-quarantine na sinasabi ng iba na sumira sa quarantine protocols.

Vina hindi pinalampas ang bashers ni Shaina

Natural lang naman na ipagtanggol ni Vina Morales ang kanyang kapatid na si Shaina Magdayao laban sa mga basher. Nagkasunud-sunod ang mga bashing kay Shaina dahil sa kanyang mga statement sa pagpapasara ng ABS-CBN.

Natural din naman iyon kay Shaina dahil artista siya ng ABS-CBN, at dahil sa pagpapasara ng network ay nawalan siya ng kita. Ang problema nga lang sa ilang mga artista, natatangay sila ng kanilang emosyon at hindi na iniisip kung tama ba ang kanilang katuwiran o mali. Basta na lang lumalabas ang mga iyon sa social media kaya nababanatan sila ng mga basher.

Bata pa rin naman si Shaina at hindi pa sanay na makipagtalo kaya to the rescue ang ate niyang si Vina.

vuukle comment

MOCHA USON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with