May bundy clock pa... Maine naging abala sa opisina habang ECQ
Maine
May bundy clock pa... Maine naging abala sa opisina habang ECQ
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 19, 2020 - 12:00am

Maraming nalaman ang fans ni phenomenal star Maine Mendoza sa katatapos lang niyang online Lockdown/Kwentuhan na inihandog ng Triple A (All Access To Artists) agency nila with her handler Tristan Chen as her hosts. Habang kumakain ng isaw at butong pakwan si Maine, naikuwento niya na sa loob ng dalawang buwan na naka-quarantine tayong lahat, sa kanila sa Sta. Maria, Bulacan siya nag-stay dahil mag-isa lamang siya sa condominium niya.  Hindi raw niya sinayang ang araw, at may mga plinano siya at naging productive siya.

“Para po akong nag-oopisina, Monday to Friday, mula 9a.m. hanggang 5p.m. ang bundy clock ko,” kuwento ni Maine.  “May mga pinag-aaralan po akong mga bagay-bagay na walang kinalaman sa showbiz, pero secret po muna malalaman po rin ninyo ito very soon.  Pero inip na rin po ako, na talagang magtrabaho, dahil gusto ko pa ring magpasaya nang live sa mga mano­nood ng Eat Bulaga.

“Gusto ko ring magpasalamat sa patuloy na sumusuporta sa aking DoNation Drive. Ako po nakaisip nito na bigyan ng konting tulong ang mga pamilyang nangangailangan.  Ako mismo ang nagbasa ng mga email  nila, ako rin ang nag-record at personal na nagpadala sa kanila ng tulong.  Sa ngayon ay nakatanggap na ako ng P1,003,894 kaya nakapagpadala na ako sa may 1,003 households (P1,000 each).  Natatanggap ko naman ang pasasalamat nila na natanggap na nila ang ipinadala ko sa kanila.  Hindi ko pa po ito tinatapos, hanggang may sumusuporta ay tuluy-tuloy pa rin ito.  Hindi pa rin po natin alam kung kailan matatapos ang COVID-19 pandemic. Maraming salamat po.”

Miguel gusto namang maging superhero

Kapapansin pansing lumalaki na ang katawan ni Miguel Tanfelix ngayong he’s now 21 years old. Natanong tuloy siya kung may dream role ba siyang gustong gawin ngayon he’s of age na? “Marami na po akong nagampanang role mapa-action, mapa-drama, mapa-horror.  Pero ang “Nino” ay isa sa favorite kong role,” sabi ni Miguel. “But now parang gusto kong gumawa ng something epic, something big na may fight scenes kasi nami-miss ko na ring mag-fight scenes.  So siguro po, isang superhero naman.”

Bata pa si Miguel, nagawa na niya ang Mulawin, at sa Encantadia, may guest role din siya noon bilang si Mulawin.  Pansamantala munang napapanood ngayon si Miguel sa Kambal, Karibal with Bianca Umali, gabi-gabi after ng Encantadia.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with