^

Pang Movies

Maricris magiging mommy na

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Maricris magiging mommy na
Maricris

Pagkatapos ng apat na taong paghihintay ay buntis na sa wakas ang Kapuso singer na si Maricris Garcia. Pinost ng 2010 Pinoy Pop Superstar grand champion sa kanyang Instagram ang pregnancy test stick na nagpapatunay na positive ang pagbubuntis niya. Pareho nilang hawak ito ng kanyang mister na si TJ Cruz.

Matagal ngang hinintay at pinagdasal ni Maricris at ni TJ ang moment na ito simula noong kinasal sila in 2016.

Ron hindi nagsisisi na nilayasan ang showbiz

Sa Prince Edward Island in Canada na pala nakatira ang model-turned-Kapamilya actor na si Ron Morales kasama ang kanyang misis at dalawang anak.

October 2018 nang lumipad sila ng kanyang buong pamilya for Canada at iniwan ni Ron ang kanyang 12-year old showbiz career. Major decision daw ito para sa aktor dahil mas inisip daw nila ng kanyang misis ang future ng kanilang dalawang anak.

Unang nakilala si Ron noong sumali ito sa Be Bench Model Search noong 2007. First runner-up siya sa winner na si Carl Guevarra.

Lumabas si Ron sa mga ABS-CBN teleserye tulad ng Palos, Ligaw na Bulaklak, I Heart Betty La Fea, Boystown, Momay, May Bukas Pa, Tanging Yaman, 100 Days in Heaven, Juan dela Cruz, Honesto, Kung Ako’y Iiwan Mo at FPJ’s Ang Probinsyano.

Business management course ang natapos ni Ron sa De La Salle University, pero sa Canada ang naging trabaho niya ay cook sa isang restaurant. “The chef trained me to do all the preparation the business needs. I can say I enjoy what I do. My wife is presently a stay-at-home mom, but she previously worked for a few months here as an early childhood educator (ECE) in a daycare.”

Naapektuhan din daw ang trabaho nilang mag-asawa dahil sa COVID-19 pandemic. Pero ang maganda raw sa Canada, well-provided ang financial needs nila ng gob­yerno.

MARICRIS GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with