Daniel
Daniel mahal ang sakang na legs ni Kathryn
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - May 19, 2020 - 12:00am

Walang saysay ang pagpapa-trending ng kanyang bashers ng #SakangSiKath dahil hindi na-offend si Kathryn Bernardo. Tanggap niya ang kanyang imperfection.

Sa kanyang YouTube channel, sinagot ni Kathryn ang negative comments na naka-sentro sa kanyang pagiging sakang. Nabanggit nito na noong una, naapektuhan pa siya sa pamba-bash, kaya naka-disable ang comment section sa Instagram channel niya, kalaunan natanggap din niya ang bashing ng tao, kaya ngayon, nasa “comments on this post have been limited” na lang ito naka-set.

“Bakit ko inalis ‘yung comments section sa Instagram? Kasi feel ko grabe ‘yong negative energy, ang daming time talaga ng bashers, but ngayon talaga hindi na ako nabo-bother,” sabi ni Kathryn.

“Hindi naman ako makukulong sa pagkasakang ko. So I love my legs and si DJ (Daniel Padilla) love din legs ko,” dagdag pa ni Kathryn.

Sa isang interview, naalala ng fans ang paha­yag ni Daniel na “Your flaws are my favorite”  na ang tinutukoy ni Daniel ay ang legs ni Kathryn.

BB kasira si Mariel

Hindi pala friends sina BB Gandanghari at ang sister-in-law niyang si Mariel Rodriguez at ang tawag pa nga ni BB kay Mariel ay “talking doll.” Nalaman ang tungkol dito sa vlog ni BB na Mor­nings With BB.

Sa nasabing video, nagsalita si BB ng “At itong si talking doll Mariel, huwag niyo akong daanin sa pa-live live ha mahiya kayo sa sarili ninyo.”

May kinalaman yata ito sa tampo ni BB sa kapatid na si Robin Padilla, pero ang latest na nabasa namin, wala ng tampo si BB kay Robin.

Matutuwa nito ang fans ng Padilla brothers na ang wish ay magkaayos na sila ni Robin. Pero cu­rious pa rin ang marami kung bakit hindi friends sina BB at Mariel.

KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with