Robin hindi na pinatulan si BB
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 19, 2020 - 12:00am

Dedma na lang si Robin Padilla sa huling pag-atake sa kanya ng kapatid na si BB Gandanghari at kaysa sagutin pa ito ay panay COVID-related ang posts niya lately.

Sa latest post nga ni Binoe ay binigyan niya ng papuri ang asawang si Mariel Rodriguez sa walang sawang pagsuporta sa kanyang advocacies and campaigns for COVID-19 pandemic. “Wag tayong matakot sa mga bagay na nakikita natin at nahahawakan pero yun hindi natin nakikita pero pumapatay dapat tayong mga magulang matakot sa covid Hindi na para sa sarili natin kundi para sa ating mga Paslit at mga sanggol.

Akoy malalim na nagpapasalamat kay ginang @marieltpadilla sa pagbahagi niya hindi lamang ng kanyang panahon kundi pati na rin sa napakapersonal niyang pagtanggap at pagtulong sa proyektong ito ng paglaban sa covid kahit napakabusy ng schedule ni Mariel bilang fulltime wife at fulltime nanay, ang banggit ni Binoe sa misis.

Ibinahagi rin ng action star na si Mariel na rin daw ang dumidiskarte sa sarili nitong paraan para buhayin ang Casa Maria. Ma shaa Allah siya na rin po ang bumubuhay sa casa maria sa sarili niyang paraan Alhamdulillah lahat ng kapritso sa kanyang palasyo kahit piso wala akong inaambag lahat diskarte nila ng @vcmthecelebritysource.

“Yun malalaking party na isinagawa niya kabilang na yun 50th ko karamihan kaibigan niyang mga nanay rin na may mga business tumulong ambag ambag ng talento at resources naka full support sa kanya.” ang post pa ni Binoe.

BB GANDANGHARI ROBIN PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with