^

Pang Movies

Sakang ni Kathryn kumita ng bilyones sa pelikula!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sakang ni Kathryn kumita ng bilyones sa pelikula!
Kathryn

Walang pakialam si Kathryn Bernardo sa mga nagsasabing siya ay “sakang.” Ang katuwiran niya, ano man ang sabihin ng iba, basta siya ok sa kanya ang legs niya. Higit sa lahat, sinasabi niyang gusto rin naman ng boyfriend niyang si Daniel Padilla ang legs niya. Kung si Da­niel nga naman walang pintas eh ano pa ang pakialam niya sa sasabihin ng iba, eh di mamatay sila sa inggit.

Kung sabagay, hindi na rin naman bago sa showbusiness ang pamimintas ng mga kung sinong ang akala mo ay kay gaganda. Hindi ba noong araw, pinipintasan din ang legs ni Susan Roces, at wala pang social media noon ha, mga tsismis lang. Pero mainggit na lang sila dahil iyong pinipintasan nilang legs, napansin at nagustuhan ni FPJ.

Tama iyong attitude ni Kathryn, dahil iyang sinasabi nilang sakang na iyan, bilyon ang kinikita ng mga pelikula niyan at napakaraming fans. Sino ba ang magagandang legs na ang pelikula ay kumita ng halos isang bilyong piso na?

Sino ba iyang magaganda ang legs na pinag-aagawan para maging commercial endorser na gaya ni Kathryn? At sino rin ba sa kanila ang nailalagay pa sa mga cover ng mga fashion magazines? Sabihin man ninyong sakang siya eh ano?

May mga tao lang talagang hecklers ngang matatawag. Iyon bang mga asar lang talaga.

Live performers, tuyot sa online concert

Una naming napansin iyon sa profile pic ng aming kaibigang si Richard Reynoso. Tapos nakita rin namin sa picture ni Aicelle Santos Zambrano. Hindi nagtagal, halos lahat yata ng singers, performers, musicians, pati mga production crew ng mga live show ay nagkakaisa na sa paggamit ng logo na nagsasabing naghahanap sila ng kaluwagan para maipagpatuloy ang kanilang industriya.

Sa ngayon walang trabaho ang mga performer at iba pang manggagawa na involved sa mga live show, at walang nakakaalam kung kailan sila makakapag-trabahong muli. Bihira rin naman sa kanila ang nakakalabas sa telebisyon at kung sakali man, guesting lang iyon, karaniwan wala pang bayad. Papaano nga naman sila mabubuhay?

Wala iyang mga concert online. Hindi naman sila kikita riyan. Ano nga kaya ang magagawa para ang sektor na iyan ay matulungan?

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with